Yan po bang omada captive portal meron sa voucher na pwedeng:
1. x days of unlimited internet para dun sa mga gusto ng unlimited subscriptions sa internet mo?
2. Voucher expiration
3. Logout session para tigil din oras ni tomer
Sa pfsense kasi nagbabase lang sa expiration date yung validity ng voucher e.g. Kung 1 hour unlimited internet yung voucher, 1 hour din expiration at magstart na agad yung counting nun upon first login ng voucher. Kaya kahit mag logout or madisconnect ka parang tumatakbo pa rin yung oras at validity ng voucher dahil sa expiration time/date nagbabase.
Tingin ko maganda lang yung sa pfsense voucher system kapag usapan 1 day, 2 days, 1 month etc. ang subscription, hindi flexible sa mga gusto tingi tinging oras.
BTW hindi ko pa balak mag wifi rental sa shop ko since malakas pa naman. Meron kasi akong client may ari ng isang dormitory balak ko i-introduce sa kanya wifi rental kaya nagtatanong tanong na din ako ng mga options na mas nakakatipid kesa dun sa mga nagoofer sa facebook na wifi vendo.