Dagdag din sa unti-unting pagkahina ng industriya naten:
1. Shops na walang mga house regulations/rules.Pag sisilip ang mga magulang, ang makikita nila ay mga nakahubad, mga mababaho, mga OA mag-ingay, mga nagmumura. Kawalan ng simpleng disiplina at kaayusan.
Kaya ayan, pinagbabawalan ang mga anak na wag na dumayo sa businesses natin. At ang masakit pa, pagbabalingan pa tayo ng sisi ng media, ng mga politiko na bad influence tayo sa mga kabataan.
Sa totoo lang, hindi naman kelangan na maging ala-Mineski ang ambience ng shop mo para maging disiplinado at maayos ang customer. nasa pamamalakad yan.
2. Shops na hindi satisfactory ang internet connection.Example, magtitipid si owner A gamit ng residential plan tsk tsk tsk. Eh kapag ganyan kabagal lang pala ang internet na madadatnan sa shop, lalong gaganahan ang mga customer na bumili ng sariling pc at magpakabit ng dsl.