Nung nagbalak akong magphoto printing, bumibili ako ng photopaper may iba't ibang brand at types(glossy, Resin-Coated...) at sukat...
nagtry ako magprint sa iba't ibang klaseng nabili ko, minimal lang pagkakaiba, pero after few months, napansin ko ung naprint ko sa brand na "Angel Professional Photo Paper" ay naging pinkish, eh marami pa naman akong naprint gamit un, bawas pogi pts pala ko photo printing, kaya siguro bihira na lang may magpaprint sakin ng pictures... since nun hindi ko na ginamit ung brand na un para customer, may 2 packs(40 sheets na A4 size) pa nga ngayon na hindi ko alam gagawin.
Cuyi, at Polaris ung ibang brand na nabili ko, at maayos naman hanggang ngayon ung picture, so magandang brand ang mga yan... ung sa Angel... may isa akong pic na hindi naman naging pinkish, ewan ko kung bakit.
Kayo, anung brand gamit nio na subok na ang quality?