TOPIC: May future pa kaya para sa mga shop owners?

May future pa kaya para sa mga shop owners? 15 Dec 2019 23:28 #1366502

  • Decikator
  • Online
  • Expert Boarder
  • Expert Boarder
  • Posts: 716
  • Thanks: 14
Pakiramdam ko ay sunod-sunod na yung mga nagsasaradong computer shop...ang dami ko na kasing nakikitang mga nagpo-post na binebenta na nila yung mga computer nila dahil nagsarado na sila.

Gusto ko ngang bumili ng mga 24in na monitor at palitan ang mga 19in monitor dito sa shop...babawasan ko yung mga computer dito at isang kuwarto na lang ang io-occupy ko...yung 2 room ay ma-renovate at magawang paupahan na lang. Hindi naman kasi napupuno....panay mga bata na lang halos ang natira kong customer. Wala na talaga...hindi na viable dito sa lugar namin yung mga computer shop na maraming pc...nawala na yung mga naglalaro ng LOL dito....panay CF na lang ang nilalaro ng mga bata...maski Roblox ay mahina na rin...nagsawa na mga bata.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

May future pa kaya para sa mga shop owners? 16 Dec 2019 19:41 #1366511

  • Antron's Avatar
  • Antron
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 5851
  • Thanks: 294
yang mga nagsasara mga hindi talaga sila marunong sa business na ito.
hindi dahil palibas na ang compsop business.

sa palagay ko tatagal pa ito ng 20yrs or more kasi marami paring tao na walang kakayahan bumili ng sariling comp at magpakabit ng internet.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

May future pa kaya para sa mga shop owners? 16 Dec 2019 22:13 #1366514

  • atan3000's Avatar
  • atan3000
  • Online
  • Gold Boarder
  • Gold Boarder
  • Posts: 1629
  • Thanks: 99

Antron wrote: yang mga nagsasara mga hindi talaga sila marunong sa business na ito.
hindi dahil palibas na ang compsop business.

sa palagay ko tatagal pa ito ng 20yrs or more kasi marami paring tao na walang kakayahan bumili ng sariling comp at magpakabit ng internet.


sure ka ba sa sinasabi mo, baka nga 3-5 years from now lilipat na lahat sa mobile gaming, dahil mas mura na mga android phones at mas bibilis na rin ang wireless internet... yung minesky nga dito nag sarado na eh, ginawang parlor yung pwesto...

Please Log in or Create an account to join the conversation.

May future pa kaya para sa mga shop owners? 17 Dec 2019 09:53 #1366521

  • Decikator
  • Online
  • Expert Boarder
  • Expert Boarder
  • Posts: 716
  • Thanks: 14
Tingin ko ay matutulad 'tong lanshop business sa diyaryo...meron pang nagtitinda ng diyaryo ngayon pero napakaliit na ng sales nila....pwede ka na kasing magbasa online ng balita o kaya manood sa Youtube.

Kahapon...galing ako sa Balintawak at pauwi sa bahay...tinitingnan ko yung mga pwesto ng mga computer shop sa tabing kalsada habang nakasakay sa jeep...mga sarado na. Next year malamang ay mas maraming shop pa ang magsarado dito sa lugar namin. Wala na rin akong makitang pisonet at computer shop sa harap ng public school dito sa amin.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

May future pa kaya para sa mga shop owners? 17 Dec 2019 10:50 #1366522

  • isnain's Avatar
  • isnain
  • Offline
  • Senior Boarder
  • Senior Boarder
  • Posts: 361
  • Thanks: 44
friend ko nga panay pa ang upgrade kahit alam nman nyang mahina na talaga makukuha pa daw sa upgrade ng pc and monitor na malaki tapos 12/hr..lol

Please Log in or Create an account to join the conversation.

May future pa kaya para sa mga shop owners? 17 Dec 2019 11:28 #1366525

  • Murdoc's Avatar
  • Murdoc
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 2425
  • Thanks: 95
yung kaibigan ko, nag titinda ng friend chicken stall sa kalye, dalawang stall, ngayun naka bili ng ng Hilux......
hahahahaa sa shop iilan nalang cguro. 1 out of 100 naka bili ng bahay.... tulad ni mark, isang member dito

Please Log in or Create an account to join the conversation.

May future pa kaya para sa mga shop owners? 17 Dec 2019 12:25 #1366526

  • madintel's Avatar
  • madintel
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 10386
  • Thanks: 393
isa rin sa dahilan kaya maraming nagsarang shop nabasa ko sa pldt fiber group ay dahil sa internet simula nagloko net nila inabot na 2-6 months hindi pa rin inayos ng pldt ang linya nila hanggang sa wala na kita ang shop at nagsara na lang

basa kayo daming ganun kwento at hindi lang sa pldt kahit sa ibang isp ganun din prob mapa home o biz plan pareho lang prob kaya kahit may backup isp ka ay bulok lahat ang internet

Please Log in or Create an account to join the conversation.

May future pa kaya para sa mga shop owners? 17 Dec 2019 20:50 #1366533

  • boyfinger's Avatar
  • boyfinger
  • Online
  • Expert Boarder
  • Expert Boarder
  • Posts: 850
  • Thanks: 12
divert is the answer! dating compshop na ang cater ay mga patapon na kabataan, maiingay palamura at bastos, to school supplies store and research and copy center, mixed nuts at ngayong magpapasko at bagong tindahan ng mga prutas, at next year parang gusto ko mag operator

Please Log in or Create an account to join the conversation.

May future pa kaya para sa mga shop owners? 18 Dec 2019 08:31 #1366534

  • rsjerk01's Avatar
  • rsjerk01
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 2387
  • Thanks: 276
marami pong nag sasara marami rin nag bubukas ang nakakasira kasi dyan is yung price war imagine malalakig shop may mga pangalan naka 10 pesos per hour syempre ang babaon tlaga yung mga di kilalang shop haayyyyyssss

Please Log in or Create an account to join the conversation.

May future pa kaya para sa mga shop owners? 18 Dec 2019 13:21 #1366543

  • STANELOP3's Avatar
  • STANELOP3
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 4999
  • Thanks: 154
wait and see lang tayo....
hanggat kumikita pa 3k pataas ang sales kita pa yan. pero pag 2k pababa tapos wala na ibang sideline nag uubos lang ng oras pagganyan.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Moderators: Itwarehouse Speclin
Time to create page: 0.087 seconds