TOPIC: ibenta ko na ba?

ibenta ko na ba? 22 Aug 2019 21:32 #1362246

  • MarRoxas57's Avatar Topic Author
  • MarRoxas57
  • Online
  • Junior Boarder
  • Junior Boarder
  • Posts: 246
  • Thanks: 8
etong shop ko ay sobrang hina na, pinagtatyagaan ko na lang dahil na din siguro naaawa na lang ako sa bantay ko na pwd o may kapansanan sa binti at kuba, tirahan nya na din itong shop since 10 years ago nung nagsimula ako nito, pinagkakatiwalaan ko sya at hindi pa sumasablay ,2016 pa huling upgrade ko ng mga unit, dahil sobrang hina na ang kita ng shop na ito, ay sa bill at pangsahod na lang napupunta, barya na lang natitira para sakin...

ok naman ang kitaan ng iba kong negosyo kaya di din ako nagwoworry masyado, pero naisip ko din na ibenta na lang para magkaron ako ng dagdag puhunan sa existing kong negosyo o next project na negosyo.

wala ako maisip na san ko sya pwede ipasok na trabaho at di ko naman kelangan dagdag na tao sa negosyo ko.

sa puso ko lamang ang ibebenta ko na, pero di ako makapag pasya kasi naiisip ko si kuba na bantay ko,

ang opinyon ay makakatulong sa pagpapasya ko, salamat sa sasagot

Please Log in or Create an account to join the conversation.

ibenta ko na ba? 23 Aug 2019 06:22 #1362254

  • ellenor's Avatar
  • ellenor
  • Online
  • Expert Boarder
  • Expert Boarder
  • Posts: 739
  • Thanks: 72
kung naaawa ka sa bantay mo boss lipat mo nalang pwesto/lugar iyang shop mo....

ako naman sa mga tao ko sa mga shops ko at base sa experience ko bihira ako mag regular ng tao or else swapping sila sa ibang mga branches ko, dami kasi kalukuhan nyan(di lang siguro natin alam lalo na busy tayo!), kung ano anong naiisip na kalukohan nyan lalo kung stock sa isang branch(pasintabi po dyan sa bantay mo), tsaka kapag matagal na karamihan tinatamad na! tsaka nasasawa narin sa mga pagmumukha nila iyong mga tomer! hehehe

Please Log in or Create an account to join the conversation.

ibenta ko na ba? 23 Aug 2019 18:13 #1362268

  • boyfinger's Avatar
  • boyfinger
  • Online
  • Expert Boarder
  • Expert Boarder
  • Posts: 850
  • Thanks: 12
benta mo na! maluluma lang lalo at tuluyang mas baba ang presyo o tuluyang hindi mo na maibebenta pa mas lalong lugi kapag ganun

Please Log in or Create an account to join the conversation.

ibenta ko na ba? 17 Oct 2019 12:13 #1363943

  • elixir's Avatar
  • elixir
  • Offline
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 4292
  • Thanks: 344
benta mo na tapos kunin mo pa rin yung pwd mong bantay. gawin mong cashier o kaya helper. pwede mo rin siya ihanap ng trabaho kung may mga kakilala kang businessman. mahirap makanap ng ganyang bantay na loyal.

pwd yan kaya siguradong hindi gagawa ng kalokohan yan kasi alam nyang mahirap makahanap ng trabaho ang katulad nya dito sa pinas. laging naddiscriminate kaya minahal nya ang trabaho nya sayo.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

ibenta ko na ba? 17 Oct 2019 12:16 #1363945

  • elixir's Avatar
  • elixir
  • Offline
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 4292
  • Thanks: 344
taga san ka ba ser? kelangan ko rin ng bantay e. pwede rin sya tumira dito sa shop ko tutal ako lang naman mag isa dito.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

ibenta ko na ba? 17 Oct 2019 12:35 #1363947

  • atan3000's Avatar
  • atan3000
  • Online
  • Gold Boarder
  • Gold Boarder
  • Posts: 1629
  • Thanks: 99
pwede mo naman sya ilagay sa bago mong negosyo kung naawa ka... maari mo namang ibenta yang mga computer shop mo kung mayroon kang nakikitang mas mainam na paglalagakan ng mabebentahan mo... ^_^

Please Log in or Create an account to join the conversation.

ibenta ko na ba? 17 Oct 2019 15:13 #1363960

  • madintel's Avatar
  • madintel
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 10386
  • Thanks: 393
magbenta ka nlng ng shabu mar may kita kp mahal presyo per gramo now

puro ka nmn benta ko nb? pero ayaw mo naman

Please Log in or Create an account to join the conversation.

ibenta ko na ba? 17 Oct 2019 23:10 #1363973

  • metalmarine's Avatar
  • metalmarine
  • Online
  • Gold Boarder
  • Gold Boarder
  • Posts: 1809
  • Thanks: 146
sakin, kung d pa naman lugi at above minimum wage pa ang bigay sakin, stay pa rin.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

ibenta ko na ba? 18 Oct 2019 22:03 #1364044

  • dutae's Avatar
  • dutae
  • Online
  • Expert Boarder
  • Expert Boarder
  • Posts: 608
  • Thanks: 0
Sa akin ibenenta ko noong malakas pa shop.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

ibenta ko na ba? 19 Oct 2019 16:57 #1364089

  • madintel's Avatar
  • madintel
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 10386
  • Thanks: 393
so wala ka na palang shop baket nandito ka pa?

Please Log in or Create an account to join the conversation.

  • Page:
  • 1
  • 2
Moderators: Itwarehouse Speclin
Time to create page: 0.086 seconds