Di naman bumabagal yung sa wired via lan port, ang bumabagal lang po ay yung wifi connection na nagmumula sa pldt fiber modem. Sa pagkakaintindi ko parang magkaiba ang connection ng dalawa. Magkaiba kasi nakukuhang reading. Pero di po ako sigurado dyan, obserbasyon ko lang po. Kapag bumagal yung wifi halos di u,aabot ng 5Mbps UP at DOWN, minsan nga wala pang 1Mbps. Ang solusyon ko lang ay restart ang modem, hassle kung nakabukas ang shop at madaming tao. Kaya minsan kapag sarado shop or walang tao ko na lang nirerestart.