bossing kung kaya mong baklasin yung aircon, pwede ng ikaw na rin ang maglinis nyan, yung aircon ko ganyan lagi sakit, palaging nagyeyelo, pag nanyayari na yun, ako na lang naglilinis,
bago mo linisan may tatlong parts ng aircon akong binabalutan, una balutan mo muna ng plastic yung motor ng aircon, ganun din yung thermostat, at balutan mo din yung tanke, diko alam sa ibang window type aircon kung ganun din, pag nabalutan mo na lahat, pwede mo ng linisan yung mga grills, elesi at yung ilalim ng aircon, mas maganda kung pressurized water yung gagamitin, at haluan ng downy yung solution na gagamiting panglinis, pagnalinisan na lahat, syempre patuyuin mona, tapos yun! kabit mo na, ligtas kana sa P350 pambayad sa service, sana maging ok na po yan, at sana makatulong po