Repost ko lang dito baka may makatulong. Wala kasing nagrereply dun sa original thread na ginawa ko. XD
So this issue started 2 weeks ago. Nasa almost 700 na ang created tickets namin (for promos). As of now, 8 instances na sya nangyayari -- bigla na lang nazezero yung laman ng ticket kaya nalologout yung user and unusable na yung ticket afterwards with the error message "Ticket already used".
Nagtest din kami using 4 different tickets para ma-isolate na walang kababalaghan.
Details:
- Promo tickets ito, yung free na may laman na time.
- Hindi pa expired yung tickets.
- Naka-log in yung ticket, then sa kalagitnaan ng session bigla na lang mag-zero yung minutes nya kahit pa nakatutok kami dun sa ticket details.
- Walang ginagawa sa client PC, literally naka-on lang yung PC and naka-open yung browser pero walang activity.
- Wala din ginagawa sa timer, Chrome lang nakabukas bukod sa PanCafe.
- Walang ginagawang pag-change time sa timer, server or client (we made sure of this sa testing kasi sabi namin baka nga may kababalaghan).
- After a while, biglang mag-zero yung laman ng ticket kahit hundreds of minutes pa dapat yung laman so na-stop yung session and unusable na ulit yung ticket.
- Hindi pare-pareho ang timing ng pagka-zero. Yung isa 3 minutes pa lang na-zero na kahit 1200 minutes laman. Yung isa naka 3 hours halos bago nag-zero. Yung isa 14 minutes. Yung isa naubos yung 300 minutes na laman bago ma-out so tama naman.
- Walang kahit anong updates/changes sa client, timer, or server nung time na nagsimulang magkaproblem sa tickets.
Would appreciate any help. Thank you! :)