Kung inaabot ng 3-4weeks sa service center yung canon, ibig sabihin mas maganda parin yung EPSON kasi meron ng libreng resetter, kung wala naman pwede ipa reset online. wala masyadong hassle, walang gastos sa pag dala sa service center, hindi narin kailangan i follow up.
Kahit medyo mabagal mag print ang epson ok lang naman, importante matibay. Kung gusto naman mas mabilis meron nanaman higher model na mabilis din.
Marami narin ako nasubukang printer, pero Epson lang talaga tumagal. Yung canon sirain yung feeder, yung brother pangit ang print at madalas mag paperjam.. sobrang maselan sa papel. Yung HP inktank naman kukunti palang ang nakakagamit, hindi parin sigurado kung matibay or maganda ang service nila.
I highly recommend EPSON parin for low volume upto high volume printing..
piece of advice lang, Wag mag expect ng high performance using low end printer at wag mag reklamo.
kaya dapat bilhin nyo yung tamang printer for low at high volume prints.