Kailangan talaga ng pc for the omada controller at hotspot. Di tatakbo ang hotspot at di lalabas ang hotspot portal kung hindi nagra-run yung omada controller. Yung database mo ng voucher at portal
ni hotspot ay hawak ni omada. Di mo rin magagamit yung app ni omada sa android/fone kung di naka-on ang omada controller.
Mas maganda ang hotspot kung low powered ang pc mo.Para tipid na sa kuryente sa 24hours or overnight na gamitan. Maganda sya kasi may limit ang speed ng connections. pwede multiple users ng 1 voucher. Di ko lang sure kung share din yung users sa bandwidth. Pwede minutes, hours at days ang time.
Ingat sa hotspot, may nakita ako na bug at inireport ko na rin sa TPLINK. Pakitsek nyo na rin sa inyo. Yung bandwidth allocation (sa paggawa lang naman ito ng voucher) na upload at download limit. Pag-tsinek nyo via SPEEDTEST eh baligtad. Yung upload speed sa HOTSPOT eh nasa download speed lumalabas sa SPEEDTEST. At yung download speed sa HOTSPOT eh sa upload ng SPEEDTEST lumalabas.
Pagmatagalan ang rent, gumagawa ako ng ibang SSID. (eto pwede nakapatay ang pc. kahit walang omada controller). Doon ko pinapakonek, clients ko. Sinasabi ko na pwede 2devices nakakonek. Pag sobra pa doon babagal na connection nila(pero di totoo 'yon). kasi pwede kahit sino ang makakonek basta alam nila password. Basta sakin nila-log ko mac address nila. Pagwala sa list ko, "BLOCK".
Pang-cut ko ng time nila, block ko sila or off ko yung SSID.
Php30: 1 day
Php100: 1week
Php200: half month
Php400: 1month subscription
Pag may mali po ako, paki-correct na lang po! Tao lang.