Adlink outdoor Cat6 ang nakita ko sa shopeee. Yun nalang kunin ko
Yes! mura na at subok ko na quality nyan, nakapag poe na ako ng tplink 8port switch with approx. 110meters long gamit yang Adlink outdoor cat6.
Ano ba difference ng WDS at repeater feature ng isang router?
Di ako expert sa point to point ha, Pero sa pagkakaalam ko yang WDS gamit yan for bridging as in virtually wired yung dalawang device na naka WDS, mas seamless ang connection jan pero ang catch jan is compatibility, usually sa WDS same brand or devices pwede mo i-pair nang walang halos magiging problema, while yung "universal" repeater na tinatawag ay pwede ka mag connect wirelessly gamit yung wifi protocols 802.11b/g/n/ac kahit pa magkaibang device or brand.
Kung gagamitin mo yang WDS sa eap devices na nasa omada ay mabibigo ka lang, kung repeater mode naman, oo gagana but not as intended na Access Point at mag aact sya as an alternative to what real EAP devices does. Para ka lang nyan naka AP mode na router na itretreat pa rin ni Omada as guest mobile device. Better buy another EAP device at naka mesh sa iba mo pang EAP device.
Ngayon, Kung magpapamonthly subscription ka naman sa kapitbahay mo using wireless piliin mo yung may WISP mode operation, ang nasubukan ko na na wifi router na may wisp mode ay tenda f3/f6/f9(1k pesos), mas malayo kasi sagap ni f9 up to 40 meters kung icoconvert mo sya as outdoor, pero minsan itong si f9 nabitaw sya sa eap225 ko kapag tumataas interference sa area usually sa gabi, lately ko na lang natry itong tplink wr840n(800 pesos) mas stable sya kahit 1week na walang bitaw, siguro dahil same chipset or same brand na tplink din, though mas shorter range sya compare kay f9. Pero kung possible naman makabitan mo sila ng wired at masipag ka deploy ng cable mas ok kasi mas less sakit ng ulo.
legal ba pisowifi sir. Okay lang ba sa mga iSp natin na magppapiso wifi tyo?
Kung about sa legality kung piso wifi or vendo lang naman ay tingin ko sapat na yung may business permit at DTI ka, pero kung buong barangay ay nagtatanim ka na ng piso wifi vendo mo ay ibang level na kasi yun parang WISP ka na nun, O kung gagamit ka na ng hindi ordinary radio or wifi devices like CPE, high powered wireless antenna etc. na kinakailngan na ng NTC license or even VAS(Value Added Services).
Sa pananagutan mo naman sa ISP, kung simpleng piso wifi lang naman di na nila pinapansin yan pwera na lang kung may inggitero at sumbungero ka na kapitbahay, lalo na siguro kung WISP ka sa lugar mo para wala kang maging sabit need mo kumuha ng Certificate or MOA with your ISP na magbibigay sayo permission na mag resell ng Internet service like for example sa PLDT mga naka leased line lang pwede kumuha ng certificate na yan. Mas maigi basahin mo nang mabuti yung pinirmahan mong contract or Terms and Conditions upon application sa ISP mo iba-iba kasi sila.