TOPIC: Starting dream gaming shop business with wife

Starting dream gaming shop business with wife 14 Jan 2020 14:31 #1366952

  • Topic Author
  • themichaellara
  • Online
  • Fresh Boarder
  • Fresh Boarder
  • Posts: 4
  • Thanks: 0
Hello guys, malapit na kami mag start ng asawa ko sa shop namin. Matagal na kami nag pplano at nag iipon para dito. May mga ilang katanungan lang po kami na gusto maklaro. Mag sstart kami ng 10 units with diskless setup..

Specs ng client units : CPU: AMD R5 2600 ,
GPU: RX 570 4gb
RAM: 8gb

Specs ng server : Not sure sa CPU, same GPU/videocard sa client (RX570) , then 16gb RAM, as for storage, planning to go all SSD, 1 M.2 then the rest SATA SSD

Need ba ng GPU ng server? Ilang ram ba dapat ang kailangan? Ilang SSD ang need ng server? Anong maganda CPU para dito AMD ba o Intel? i5? Ryzen 3600?

Anong router ang maganda? Yung madami nadin port for expansion purposes in the future. Hindi kasi namin alam ano irrecommend ng mag ssetup ng diskless sa amin. Router and switch ba hiwalay o isang box nalang yon ngayon?

Need pa ba ng NIC o network expansion card para sa mga client/gaming units? Para saan ba yon?

About sa electrical side, paano yun? Yung 10 units need ng 2 na saksakan bawat outlet diba? Power supply and monitor. Papadagdagan nalang ba ung mga saksakan?

May isa pang tanong na lagi namin naiisip, yung pag apply ng internet sa place, paano namin malalaman kung merong Fiber doon at makakabitan kami? Uupahan muna namin tapos saka mag aapply ganon. And anong speed ang pwede na, 50 mbps? 100mbps?


Pasensya na po sa madaming tanong, gusto lang namin maging okay lahat, and as much as possible ayaw naming tipirin yung shop, kahit above average lang hindi naman ung wow na wow. As mentioned dream business po namin ito at pareho din kaming gamer at iyon din ang naging daan noon kung paano kami nagkakilala.. hehe. Salamat po sa mga sasagot sa akin!

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Starting dream gaming shop business with wife 14 Jan 2020 15:59 #1366954

  • maginoong bastos's Avatar
  • maginoong bastos
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 2344
  • Thanks: 130
pinaka-importante yata sa lahat apply muna internet connection doon malalaman kung ano pinakamabilis na available speed sa area nyo

aanhin mo kase kumpleto gamit kung aabutin naman ng taal...

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Starting dream gaming shop business with wife 15 Jan 2020 15:54 #1366969

  • madintel's Avatar
  • madintel
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 10305
  • Thanks: 392
bad year ang 2020 for internet shop dahil bulok lahat ng telco kaya maraming nagsasara kasi alam ng mga telco next year pa ang bagong 3rd telco player mag commercial lauch kaya next year pa gaganda connection

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Starting dream gaming shop business with wife 15 Jan 2020 16:19 #1366970

  • athenaxd's Avatar
  • athenaxd
  • Offline
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 16880
  • Thanks: 3419

themichaellara wrote: Hello guys, malapit na kami mag start ng asawa ko sa shop namin. Matagal na kami nag pplano at nag iipon para dito. May mga ilang katanungan lang po kami na gusto maklaro. Mag sstart kami ng 10 units with diskless setup..

Specs ng client units : CPU: AMD R5 2600 ,
GPU: RX 570 4gb
RAM: 8gb

Specs ng server : Not sure sa CPU, same GPU/videocard sa client (RX570) , then 16gb RAM, as for storage, planning to go all SSD, 1 M.2 then the rest SATA SSD


mas mainam parin sata ssd gamedisk mo gawin mo na rin ssd 1 or 2tb para mabilis loading ng games.

Need ba ng GPU ng server? Ilang ram ba dapat ang kailangan? Ilang SSD ang need ng server? Anong maganda CPU para dito AMD ba o Intel? i5? Ryzen 3600?

hindi kailangan gpu ng server gamit ka na lang ng amd processor na may built in graphics

Anong router ang maganda? Yung madami nadin port for expansion purposes in the future. Hindi kasi namin alam ano irrecommend ng mag ssetup ng diskless sa amin. Router and switch ba hiwalay o isang box nalang yon ngayon?

mikrotik

Need pa ba ng NIC o network expansion card para sa mga client/gaming units? Para saan ba yon?

yung server mo lang pag gusto mas smooth operation add additional nic

About sa electrical side, paano yun? Yung 10 units need ng 2 na saksakan bawat outlet diba? Power supply and monitor. Papadagdagan nalang ba ung mga saksakan?

2 outlets per station

May isa pang tanong na lagi namin naiisip, yung pag apply ng internet sa place, paano namin malalaman kung merong Fiber doon at makakabitan kami? Uupahan muna namin tapos saka mag aapply ganon. And anong speed ang pwede na, 50 mbps? 100mbps?

inquire 1st with pldt or globe
pt&t and coverge fiber pangit sa gaming

Pasensya na po sa madaming tanong, gusto lang namin maging okay lahat, and as much as possible ayaw naming tipirin yung shop, kahit above average lang hindi naman ung wow na wow. As mentioned dream business po namin ito at pareho din kaming gamer at iyon din ang naging daan noon kung paano kami nagkakilala.. hehe. Salamat po sa mga sasagot sa akin!

pag need mo icafe package I can provide you one.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Starting dream gaming shop business with wife 15 Jan 2020 20:27 #1366972

  • mmmbops
  • Online
  • Junior Boarder
  • Junior Boarder
  • Posts: 52
  • Thanks: 0
ibang business na lng sana ganyan set up tpos 10 per hour lugi na agad, may nakita ako sa facebook super computer na halos units nya 27inch 144hz tpos gtx 1060 6gb binebenta na nya nasa 40pcs ata un dun palang alam mo ng wala na finish na. sobra tumal na ngaun ung mga player ko ng dota 2 wala na ROS at LOL na lng ang nilalaro dito pero ung iba sawa na rin, maaring malakas yan kasi newly open for 3months cguro tpos balik sa normal ang mahirap nyan baka rent ka pa ng pwesto,. mas malakas pa kita nung water station na nasa tapat ko. sana boss pinag aralan mo muna kung oks pa ba ang lanshop ngaun, mineski nga 10 per hour na lng eh makikita mo un sa facebook nila nasaktan ng husto mga lanshop sa mobile games.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Starting dream gaming shop business with wife 15 Jan 2020 20:33 #1366973

  • mmmbops
  • Online
  • Junior Boarder
  • Junior Boarder
  • Posts: 52
  • Thanks: 0
in the end your dream will become a nightmare isip muna mabuti bago ituloy boss.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Starting dream gaming shop business with wife 15 Jan 2020 22:36 #1366975

  • Decikator
  • Online
  • Expert Boarder
  • Expert Boarder
  • Posts: 675
  • Thanks: 9
"Wag nang ituloy....pa-sunset na ang lanshop business. Sobrang tumal na .

Ibang negosyo na lang. Tingin ko ay hindi na rin magtatagal ang mga kalapit kong computer shop.

Nawala na yung mga grupo-grupong mga estudyante na sabay-sabay maglalaro sa computer shop pagkauwian...nagsilipatan na sa celfeone. Kahit tanghali na ay iilan lang ang customer...karamihan sa mga customer na natira ay mga bata...maglalaro lang ng 30min-1hr .

Isip na lang ng ibang negosyo.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Starting dream gaming shop business with wife 15 Jan 2020 22:51 #1366978

  • ryan2012's Avatar
  • ryan2012
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 3799
  • Thanks: 508
tuloy mo lang yan.. ako nga nag iipon para dyan hehehe nag iipon para sa sariling pwesto.. muna tagal ko na nag rent ehh

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Starting dream gaming shop business with wife 16 Jan 2020 15:05 #1366991

  • madintel's Avatar
  • madintel
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 10305
  • Thanks: 392
basa ka ng comment ng pldt biz subcribers daming may prob umabot na ilang months unresolve pa rin

web.facebook.com/PLDTEnterprise/

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Starting dream gaming shop business with wife 16 Jan 2020 23:55 #1366994

  • metalmarine's Avatar
  • metalmarine
  • Online
  • Gold Boarder
  • Gold Boarder
  • Posts: 1804
  • Thanks: 146
lahat namn ng business ay sugal, subokan mo kung papatok area nio, pero dapat calculated risk mo ay mataas chance na magsuccess... kailangan may expertise or may kakilalangan kang expert, or masipag kang magtrial and error sa mga nababasa at napapanood mo sa internet...

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Moderators: Manoi SkeeItwarehouse Speclin
Time to create page: 0.117 seconds