Welcome, Guest
Remember me

TOPIC: FTTH (Fiber to the Home)

FTTH (Fiber to the Home) 07 May 2022 13:54 #1370497

  • Profit's Avatar Topic Author
  • Profit
  • Online
  • Senior Boarder
  • Senior Boarder
  • Posts: 481
  • Thanks: 56
Target market ng FTTh usually users na kailangan ng faster, stable, flexible and reliable internet, like gamers, mga naka-wfh, online sellers, student na nagonline class. Lahat yan mahirap maachieve kung wireless p2p or wireless broadband naman ang ISP na gamit...madalas sa wireless hindi stable ang ping, congestion, interference or malayo sa tower lalo na sa mga remote area.

now sa FTTH services na pwede mo ioffer sa mga clients, bukod sa nkafiber ka, pwede kang kumuha ng 2 o higit pang ISP para lesser ang maging downtime ng mga clients sakali mang magdown ang isang ISP, importante yan para sa mga nka WFH at online sellers. At syempre advantage din biruin mo mga clients mo di na nila need kumuha ng backup ISP nila. Malaking tipid yun. Meron ka din capability na ireroute specific games sa specific ISP na meron ka kung saan ang pinaka magandang latency for best gaming experience ni client. Also since sa FTTH service business ka recommended ang static or Business line ISP, so automatic mga magiging clients mo para na din silang nka business line wihich is far way better than a regular residential subscription dahil latency ang main issue lalo na during peak hours.

At marami pa ibang pwedeng advantages na pwede mo ioffer sa clients kesa mag wireless sila, lalo na yung mga maselan hindi mga satisfied yan sa wireless karamihan nagtitiyaga lang, minsan nga para lang mamaximize or to improve yung wireless signal dapat may technical know-how pa din at syempre need pa nila maginvest ng mas malaki para lang talaga gumanda signal.

Btw since March nagupgrade na ako ng plan ko pinka mababa ko plan 700-5mbps, 1k-15mbps, 1.2k-25mbps, 1.5k-50mbps, 2k-85mbps. Walang mataas o mababa, dumedepende yan sa area na nasasakupan mo, Mas konti kalaban mas malaya kang magdikta kung ano presyo. Kung ano offer ng malalaking ISP sa area mo kung meron man dapat mas mababa ang dpat offer mo dun. Tska dapat alam mo din yung market mo, like kung ang mga tao sa paligid mo tingin mo hindi kayang mag avail ng 1k edi mag gawa ka ng plan mo na mas mababa sa 1k.

Minsan naman napapangunahan lang tayo ng takot, dati ilang ako maglagay ng mga napbox sa isang area, na iniisp ko baka walang magpakabit jan, pero once na meron isa na nagpakabit at hindi basura yung service mo, maniwala ka maggagayahan na yan o minsan magkakainggitan na...lalo na kung area mo wla pa gaanong fiber slots.

Please Log in to join the conversation.

Last edit: Post by Profit.

FTTH (Fiber to the Home) 07 May 2022 15:25 #1370498

  • Murdoc's Avatar
  • Murdoc
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 2343
  • Thanks: 95
ahh so yung walang chance maka tikim ng static IP lang na walang business...
speaking of static IP may nakita ako sa black market na nag oofer ng CGNAT removal kaso sa mga PLDT lang na fiber

Please Log in to join the conversation.

FTTH (Fiber to the Home) 07 May 2022 20:37 #1370501

  • Murdoc's Avatar
  • Murdoc
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 2343
  • Thanks: 95
totoo pala yung add 700 a month.... yun nalang

Please Log in to join the conversation.

FTTH (Fiber to the Home) 07 May 2022 21:43 #1370502

  • athenaxd's Avatar
  • athenaxd
  • Offline
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 16932
  • Thanks: 3426

Murdoc wrote: mahal pala yang EPON OLT... need pa mag ipon ng matagal


Sulit naman yang epon pati hotspot mo pwede mo na ikalat.

Please Log in to join the conversation.

FTTH (Fiber to the Home) 07 May 2022 23:17 #1370503

  • Profit's Avatar Topic Author
  • Profit
  • Online
  • Senior Boarder
  • Senior Boarder
  • Posts: 481
  • Thanks: 56

Murdoc wrote: ahh so yung walang chance maka tikim ng static IP lang na walang business...
speaking of static IP may nakita ako sa black market na nag oofer ng CGNAT removal kaso sa mga PLDT lang na fiber


cgnat removal kay PLDT is legal talaga kasi pwede kahit ikaw mismo magrequest thru hotline, pero hit or miss yan, pag di alam ng CS pwedeng pending lang request mo. About sa black market take at your own risk ika nga, possible na ma-compromise yung account mo. At hindi rin yan forever so expect babalik sa cgnat then papatanggal mo rin ulit.

Please Log in to join the conversation.

Last edit: Post by Profit.

FTTH (Fiber to the Home) 11 May 2022 13:32 #1370517

  • Murdoc's Avatar
  • Murdoc
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 2343
  • Thanks: 95
Pano ba malalaman kung behind a cgnat ako? tumawag ako sa 171 sa globe hotline nag pa remove na ako ng cgnat

Please Log in to join the conversation.

FTTH (Fiber to the Home) 11 May 2022 17:59 #1370519

  • Profit's Avatar Topic Author
  • Profit
  • Online
  • Senior Boarder
  • Senior Boarder
  • Posts: 481
  • Thanks: 56
^
One way to check:

kapag ang WAN IP status ng modem mo ay pareho nang lumalabas na IP sa whatismyip.com then you are not behind cgnat.
The following user(s) said Thank You: Murdoc

Please Log in to join the conversation.

FTTH (Fiber to the Home) 17 May 2022 16:16 #1370525

  • Murdoc's Avatar
  • Murdoc
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 2343
  • Thanks: 95
may isang cleint na ako dito, nag papakilala palang ako sa micro ISP business dito, naka Bridge mode lang muna sa shop ko total malapit lang sila, 3 users sa isang bahay. 500 a month

Please Log in to join the conversation.

FTTH (Fiber to the Home) 21 Jun 2022 11:10 #1370566

  • Murdoc's Avatar
  • Murdoc
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 2343
  • Thanks: 95
nakita ko mura lang kung kunti lang ang subscriber pwedi rin pala simpleng fiber media converter lang.....

tanong ko lang pano nyo ni lilimit ang bandwidth ng bawat router sa isang bahay ng subscriber

Please Log in to join the conversation.

FTTH (Fiber to the Home) 27 Jun 2022 10:49 #1370573

  • Profit's Avatar Topic Author
  • Profit
  • Online
  • Senior Boarder
  • Senior Boarder
  • Posts: 481
  • Thanks: 56
maraming method gaya ng mga ito:

1. pppoe server - any router device na kaya magrun ng pppoe server like mikrotik, pfsense, for 20 clients and below pwede na newifi (gocloud firmware) at marami pang iba. Dito gagawa ka ng profile ng bawat pppoe clients then dun sa pppoe profile ng client pwede magset ng bandwidth allocation.

2. thru IPor MAC address rate limit - dito pwede na gawing main router/server even mga entry level routers like mercusys, tenda, tplink routers na may feature na mag assign ng bandwidth per IP address. Take note security wise hindi maganda since pwede madaya ng client. Unless meron security feature na mac/IP binding or yung mas kilala sa ARP binding.

3. per client router- pang beginner at small scale usually 20 clients below, ito yung mga client router like tplink na pwede ka magset ng maximum ingress/egress. so wala sa main router mo ang limitation kundi nasa mismong client router na idedeploy mo. Low security din since pwede ito madaya ni client.

4. Kung naka OLT naman may mga OLT na pwede na magsetup ng profile for every ONU/ONT device. Though bihira yung gumagawa nyan dahil mas maganda pa din bandwidth management ng mga much popular router devices.
The following user(s) said Thank You: Murdoc

Please Log in to join the conversation.

Last edit: Post by Profit.
Moderators: Itwarehouse Speclin
Time to create page: 0.106 seconds