TOPIC: need advice.

need advice. 23 Mar 2021 10:47 #1369944

  • Topic Author
  • mmmbops
  • Online
  • Junior Boarder
  • Junior Boarder
  • Posts: 57
  • Thanks: 1
may bumibili na ng mga units ko 9k each mga ryzen 3 2200g nabili ko to 21k each set 2 years ago hindi ako nag rerent ng pwesto kaso medyo matumal na dating nakaka 800-1k a day ngaun nakaka 200-300 pesos na lng, sa palagay nyo ilet-go ko na ba to sa 9k each? or sayang? ipagpatuloy ko pa ba tong net shop ko?

eto specs:

Ryzen 3 2200g
Asrock a320m board
4x2 2400hz kingston hyperX memory
250/320 gig hard disk
AOC 22 inch IPS monitor
Fantech HQ51 headset
Kingbao illumated keyboard
AVR

Please Log in or Create an account to join the conversation.

need advice. 24 Mar 2021 05:15 #1369947

  • traveller02's Avatar
  • traveller02
  • Online
  • Gold Boarder
  • Gold Boarder
  • Posts: 2008
  • Thanks: 182
wag sir sobrang mura nyan, di ka nman nagrerent ng pwesto eh, sa 2 years hindi nman whole day operation nyan, tuloy mo lang ang comshop sayang


info: kakabili ko lang lastweek same specs maliban ssd, umabot ako ng 25k..
na post ko pa nga dito yan kasi ayaw mag display

Please Log in or Create an account to join the conversation.

need advice. 26 Mar 2021 01:45 #1369955

  • metalmarine's Avatar
  • metalmarine
  • Online
  • Gold Boarder
  • Gold Boarder
  • Posts: 1807
  • Thanks: 146
kung bebenta mo ng ganyan presyo, lugi ka, atleast half price nung nabili mo sana, 10~11k, medyo indemand pa naman ngayon ang pc dahil sa online class at work ang uso.

Kung need mo talaga ng cash o rush mo binebenta, ok na rin yan.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

need advice. 28 Mar 2021 15:23 #1369968

  • Topic Author
  • mmmbops
  • Online
  • Junior Boarder
  • Junior Boarder
  • Posts: 57
  • Thanks: 1

metalmarine wrote: kung bebenta mo ng ganyan presyo, lugi ka, atleast half price nung nabili mo sana, 10~11k, medyo indemand pa naman ngayon ang pc dahil sa online class at work ang uso.

Kung need mo talaga ng cash o rush mo binebenta, ok na rin yan.


yes sir binenta ko na kesa matengga at baka mas lalo pang bumaba ang presyo ng mga units ko, sobrang daming nagbebenta ng shop ngaun bagsak presyo, sumobra na kasi ng tumal dito samin halos 100-300 pesos a day, pag naka 300 malakas na un, papa renovate ko na lng tong pwesto ko at ipaparent ko na lng. halos 20 years na din inabot nitong shop ko oks na para sakin un time to move on at mag focus sa ibang bagay.
The following user(s) said Thank You: rolonline023

Please Log in or Create an account to join the conversation.

need advice. 30 Mar 2021 19:52 #1369971

  • rolonline023's Avatar
  • rolonline023
  • Online
  • Senior Boarder
  • Senior Boarder
  • Posts: 347
  • Thanks: 1
Halos Magkamukha tayo ng Specs. kaso 24inch akin Nabili ko 4 Units ng 13k each Last Nov 2019, Balak ko sana iUpgrade lahat ng Unit ko from a8 with gtx 750 to R3 2200g kaso by March 2020 Biglang Naglockdown kaya ginawa ko last Dec 2020 Binenta ko lahat ng unit kong a8 para dagdag sa Puhunan at Nabayaran na kasi ung Lupang tinitirikan ng SHop ko kaya kanya kanyang Gibaan na, pero after Siguro Netong Pandemic Pag Ooperate na ako pero sa Bahay ko na lang ung Pwesto, pero dapat kung ibebenta mo yan nka Half Price talo ka dyan, sa Bahay may Constumer ako dun sila naglalaro Sinisingil ko lang sila ng 200per 1D para di Mabulok ung 4 Unit,

Please Log in or Create an account to join the conversation.

need advice. 31 Mar 2021 13:01 #1369973

  • Topic Author
  • mmmbops
  • Online
  • Junior Boarder
  • Junior Boarder
  • Posts: 57
  • Thanks: 1

rolonline023 wrote: Halos Magkamukha tayo ng Specs. kaso 24inch akin Nabili ko 4 Units ng 13k each Last Nov 2019, Balak ko sana iUpgrade lahat ng Unit ko from a8 with gtx 750 to R3 2200g kaso by March 2020 Biglang Naglockdown kaya ginawa ko last Dec 2020 Binenta ko lahat ng unit kong a8 para dagdag sa Puhunan at Nabayaran na kasi ung Lupang tinitirikan ng SHop ko kaya kanya kanyang Gibaan na, pero after Siguro Netong Pandemic Pag Ooperate na ako pero sa Bahay ko na lang ung Pwesto, pero dapat kung ibebenta mo yan nka Half Price talo ka dyan, sa Bahay may Constumer ako dun sila naglalaro Sinisingil ko lang sila ng 200per 1D para di Mabulok ung 4 Unit,


oo boss pero actually 15 units yan may kasamang 5 units, 3pc A6 3500 at 2pc A8 na 1st gen, ang naging deal namin sabi ko sa bibili na ibibigay ko ng 9k each ung ryzen ko basta bibilin nya din ung 3pc A6 at 2pc A8 na 1st gen kasi pag ipapaiwan ko pa ung mga A6/A8 mahihirapan ako idispose un halos wala na kasi mabibili na mobo nun kapag nasira phase out na kasi, kinuha nya ng 3k each ung 3pc A6/ 2pc A8, para sakin oks na un at ung ryzen 3 2200g ko 2 years ago ko pa nabili ng 21k each set, pinag aralan ko muna bago ko isuko tong shop, simula kasi nung january hanggang etong end of march nakaka 100-300 a day lng, ung 300 pesos malakas na un, ang monthly fee ko sa internet is 4050 tpos kuryente nasa 4k a month, halos wala ng kinikita pagod pa, malaki naging epekto nitong pandemic ung mga loyal players ko nagsibili ng sariling computer bago mag umpisa ang online school kasi sinasabi dati na online study ang ggmitin un pala module kaya ung mga loyal players ko naubos lahat sa sariling bahay na lang naglalaro sinabayan pa ng bagong latag na globe fiber dito sa lugar namin this month, ung mga bata na players ko naman sa celphone na lang naglalaro at nagsibili naman ng mga bike, nag bike na lng ung mga bata pag free time nila di na rin naglalaro dito sa shop, ang nangyari nagbubukas ako ng mga 11am tapos may maglalaro mga 1-4 person lang pag dating 6pm wala na player kaya ang ggawin ko isasara ko na lang din, kaya nag decide na ko na ilet go na.... madali naman bumalik ulit sa lanshop ang daming nagbebenta sa facebook ng mga units na G4560 na may 1050ti pa nasa worth 13k-14k lang with asus ips monitor 24inch pa un galing sa mga big computer shops, pero para sakin di na ako mag lanshop ulit kasi di na talaga profitable, kaya ang ggawin ko dito sa pwesto ko ipapa renovate ko at ipapa rent ko na lng kanto naman etong pwesto ko.. malaki naging factor nitong pandemic at mobiles games sa pag hina ng lanshop.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

need advice. 02 Apr 2021 13:51 #1369981

  • rolonline023's Avatar
  • rolonline023
  • Online
  • Senior Boarder
  • Senior Boarder
  • Posts: 347
  • Thanks: 1
Alam mo kesa ipaRent mo yang Pwesto mo bakit di na lang kaya ikaw ung MagNegosyo dyan ? Sayang magkano lang naman ung Rent 10k ? kung ikaw MagNenegosyo dyan ung Higit pa sa 10k kikitain mo, pero Choice mo yan Need mo pa kasi ng Puhunan bago ka Magnegosyo pero sayang ung Pwesto mo

Please Log in or Create an account to join the conversation.

need advice. 03 Apr 2021 10:26 #1369983

  • Topic Author
  • mmmbops
  • Online
  • Junior Boarder
  • Junior Boarder
  • Posts: 57
  • Thanks: 1

rolonline023 wrote: Alam mo kesa ipaRent mo yang Pwesto mo bakit di na lang kaya ikaw ung MagNegosyo dyan ? Sayang magkano lang naman ung Rent 10k ? kung ikaw MagNenegosyo dyan ung Higit pa sa 10k kikitain mo, pero Choice mo yan Need mo pa kasi ng Puhunan bago ka Magnegosyo pero sayang ung Pwesto mo


1st option ko kasi iparent muna saka ko na lang itake over pag wala na masyadong pandemic malapit din naman ako sa school at hospital kaso walang estudyante ngaun, nakakatakot kasi dito sa lugar namin sa kabilang kanto isang pamilya ang na covid, tpos dito naman sa hospital mismong head nurse nila ang na covid ung asawa ng head nurse na un na doctor namatay sa covid last week tsk tsk kelan kaya magiging ok ang lahat >.<

PS:

85 Sets Available
17,000 PER SET ☝️☝️☝️
Intel g5400 8th gen
Msi h310 board
8gb ram hyperx/elite group
4gb gtx1050ti ddr5
Case with psu
27inch curved specter pro ips frameless
Rakk mouse keyboard
Rakk gaming chair
TEST BEFORE PAY
Pick up or Cash on Delivery

sobra ang mura nakita ko sa facebook, galing close shop nag try ako ipm ung seller binibigay pa ng 16k idedeliver pa, buti na lng tlga na dispose ko ung mga units ko, galing nesneth gaming center yta yan, tempting prang gusto ko bumili pero pag naiisip ko in the end of the day sa pag tumal parin ang punta..., saka na lng cguro pag wala ng pandemic.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

need advice. 05 Apr 2021 22:21 #1369990

  • rolonline023's Avatar
  • rolonline023
  • Online
  • Senior Boarder
  • Senior Boarder
  • Posts: 347
  • Thanks: 1
^Pwede rin iParent mo muna if Makaipon ka ikaw naman Magnegosyo, Mas Maganda Magchange Business ngaun, ako nga di ko Akalain Mag BOOM ung Mini Grocery ko ngaun Grocery na talaga, Lalo kung nasa NCR ka Napakalakas, Balak ko rin sana Magtayo ng Kalenderya kaso ang Mahal ng Vegies at Karne d2 sa NCR, Diskartehan muna lang muna yan, Lalago rin yan ! Tiwala lang !

Please Log in or Create an account to join the conversation.

  • Page:
  • 1
Moderators: Manoi SkeeItwarehouse Speclin
Time to create page: 0.113 seconds