actually ok na naman ngayon mag Farmville. kahit sa mga P4 1.4Ghz ko, ala naman nagrereklamo na mga bata. pero pansin mo na takbo agad sila sa mga bago pag nabakante. hekhek, syempre, iba pa din talaga sa mga dual core, 1gig RAM.
yung nanay ng isang tomer ko, adek na din. natutunan na gumamit ng speedhack at autoclicker. ayun, sandali lang magtanim. naka trap pa character nya para alang lakad lakad. nagbabalak pa yatang gumawa din sa farmtown. ahaha! tinuruan daw sya ng officemates nya. pag uwi galing callcenter, bihis pambahay, then diretso na dito. saka lang matutulog pag naka harvest na, at nakausap sandali hubby nya sa abroad.
pansin ko, pag umaga, puro farmers nandito. kakapraning na tugtog ng farmville...