Remembering the days when...
dati sarap samahan natin, sarap din kabuhayan natin kahit di tayo magkakakilala, di tayo nag-uusap wala tayong price war, kuntento kayo sa custopmers niyo at ako rin, walang price war, tanghali na tayo nagbubukas at maaga nag sasara maraming panahon sa pamilya at kay tandang^_^
hangang sa dumating si askal nagbago ang lahat.
mula 5 pesos na print naging 4 - 3 - 2
tumagal din tayo nag 2 pesos at sama sama tayo, ayoko man eh baka sabihin niyo KJ ako kaya ayun sumama ako
hangang sa naging PISO!
hayz na buhay to hirap na kumita halos walang tulog napaka aga gumising hatinggabi na magsara para lang maka kota
habang ako'y nagmuni muni nag aalis ng muta at pagka dungaw sa bintana ay aking nakita yung tarpulin mo kaibigan ang laki
kasing laki ng aking muta
ang print mo na pala ay
SALAPI
Totoo bang aking nakita?
sa masamang hangin ayun totoo nga!
hala't sige mga kaibigan pasensiya hangang piso na lang ako tawagin niyo man akong KJ ok lang killed na rin naman ang joy ko sa inyong presyo.