Ang bleak naman ng pananaw dito. End of computer shop era agad. I don't know about sa inyo, pero malakas pa shops dito sa min prior to the lockdown. I say shops kasi malakas din sa kumpetensyang shops sa nakikita ko (may mahinang shops din yung bagong bukas. malas non kabubukas lang nitong january). The fact na may nagbubukas pang bago speaks for a healthy business. Admittedly nawala yung mga female customers na dati ay babad sa facebook. Sa CP na sila ngayon kasi kalat na rin ang piso wifi bukod sa net promos ng telcoms so halos may net access na kahit saan basta maraming tao. Ngayon tuwing may assignment na lang sila/pa-print. Pero yung mga non-casual gamers, sa computer pa rin gusto, iba pa rin gaming experience sa PC kesa sa CP.
Anyway, maraming negosyante ang malulugi kung patuloy ang lockdown, hindi lang com shops. Maraming negosyo ang kasama sa non-essential category. These businesses as a whole contribute in a major way to our economy kahit hindi kasama sa essential category. I'm sure iniisip din ng gobyerno ang best way para hindi malugi ang micro and small businesses (which will we bad for the country too) while trying to defeat covid.