Kung gusto mong makamura at may alam ka sa computers, maghanap ka ng mga posts ng mga dating computer shops na nagsara na at nagbebenta ng units nila. Siguraduhin mo lang na maayos pa ang mga units. Pero personally, di na recommended magbukas ng computer shop ngayon. Kahit bago pa nag-pandemic, mahina na talaga ang kita sa internet shops. Lahat nagmahalan na maliban sa rental ng computer shops. Kokonti na lang din gamers na nagrerent dahil sa smartphones. Pati ang mga estudyante na gumagawa ng assignments, sa phone nila gumagawa ng document tapos ipapaprint na lang nila. Di na sila nagrerent ng PC.