TOPIC: why are computer shop owners greedy?

why are computer shop owners greedy? 24 Mar 2021 09:01 #1369949

  • Murdoc's Avatar Topic Author
  • Murdoc
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 2283
  • Thanks: 95
Im not being stereotypical here, its just a general thought based on my observation. Been in the LANshop industry for about 8-9 years... Sa ngayun nag focus na ako sa ibang negosyo, particularly sa poultry farming at sa maliit na wholesale store or tindahan.... ang pinagkaiba lang, sa compshop, panay bangayan, panay patalbugan ng setup, payabangan, pataasan ng sales, and worse of all, ang pagtingin natin sa kapwa compshop owner at KALABAN,... Minsan nga nag post pa sya sa socila media, tuwang tuwa sya na nag sara ako 1 month nung na hospital ang parents ko.... sabi nya: "Wow ayos, sana palaging ganito puno palagi kasi sarado ang KALABAN" .... May mga paninda ako na kunting PC parts, mouse, headset, keyboard, RJ45, mousepads... meron minsan need nya ng rush item, uutos sya sa friend nya bibili ng something kasi nahihiya sya, Alam ko sya yun kasi sinundan ko yung batang inutusan nya.... A few years ago, may bata rin na gustong mag kopya sakin ng NBA2K19, ako palang meron noon according sa mga batang tomers dito.... may bata na gusto mag kopya sakin, pero nung kalikutin ko ang external HDD na paglalagyan ng 2K19 na kokopyahin, napansin ko, ang may-ari ng externall HDD na yun, sa kabilang shop pala, based sa mga files na nasaloob at based sa mga pics and vids na nandun.... bat mahihiyang dumirikta sakin? because may masamang gawain, even worse, gumagawa ng dirty tactics sa kapwa shop owner.........

On the other hand, sa palengke kung saan ako nag nenegosyo, mga kapwa may-ari ng tindahan, magkakaibigan, though hindi namin ma perfect na pare pareho ang presyohan, iba iba kasi ang source namin ng paninda kaya di maiwasan na iba iba rin presyohan minsan... pero hindi kami nag sisiraan, pag may item na hanap ang tomer na wala kami, tinuturo namin ang tomer papuntang kaibigang tindahan, hindi KALABANG tindahan.... Same din ginagawa nila...... Pag walang ibang bantay at ihing ihi or taeng tae na ang bantay sa tindahan, makikisuyo sa kapwa tindahan na paki tingin tingin saglit... Parepareho lang tayo naghahanap buhay, we're both just wanna earn a living... bakit ituturing na KALABAN? bakit hindi KAIBIGAN?

Please Log in or Create an account to join the conversation.

why are computer shop owners greedy? 24 Mar 2021 09:16 #1369950

  • Murdoc's Avatar Topic Author
  • Murdoc
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 2283
  • Thanks: 95
Pag may yung may ari ng tindahan birthday, gagagawa pang mang invite at mag bigay ng pagkain sa kapwa may ari ng tindahan na competator nya… ganun kami dito sa palengke.... :)

Please Log in or Create an account to join the conversation.

why are computer shop owners greedy? 26 Mar 2021 01:39 #1369954

  • metalmarine's Avatar
  • metalmarine
  • Online
  • Gold Boarder
  • Gold Boarder
  • Posts: 1807
  • Thanks: 146
"mind your own business"

syempre kakumpetensya, natural lang yan, parang sa wild, d magkakaibigan ang mga hayop, lalo na mga predator, kanya kanyang teritoryo...

gaya na nga rin ng sabi mo, may kaibigan at kalabang tindahan, siguro dapat ikaw na friendly at nakakaunawa ang mag first move sa pagbuo ng friendly relationship/competition nio, kung ayaw eh d wag, kung maging friends kayo eh d maganda.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

why are computer shop owners greedy? 26 Mar 2021 16:01 #1369957

  • rolonline023's Avatar
  • rolonline023
  • Online
  • Senior Boarder
  • Senior Boarder
  • Posts: 346
  • Thanks: 1
"Wow ayos, sana palaging ganito puno palagi kasi sarado ang KALABAN" Nasabi ko rin yan nuon pero di sa Ganyang Paraan, Napuno ung Shop ko kasi Taob saken ung mga Kalabang Shop Specs + Pwesto + Tambayan ng (PisoWifi) ewan ko lang kung may kakainin saken ung mga Kalaban ko, Kaibiganin mo ung Kalaban mo kayo kayo rin Magkaka intindihan kasi parehas kayo ng Business

Please Log in or Create an account to join the conversation.

why are computer shop owners greedy? 01 Apr 2021 01:15 #1369975

  • Profit's Avatar
  • Profit
  • Online
  • Senior Boarder
  • Senior Boarder
  • Posts: 453
  • Thanks: 50
One factor na mahirap talagang makadevelop ng isang good relatioship sa kapwa shop owners una, hindi naman kayo magkakatabi or kung magkakatabi man hindi nagkakakitaan ng mukhaan araw-araw, kung magkita man kayo minsan yun e kung napadaan or nagkasalubong kayo sa kalsada, ngayon dahil clueless kayo sa isa't-isa nanjan na pumapasok yung mga masasamang haka-haka sa kapwa mo, na feeling natin laging may ginagawang masama or sinisiraan tayo kahit wala namang matibay na ebidensya. Dagdag pa natin yung factor na mahina na ang demand samga computershop at nagkakaagawan talaga dahil kakapiranggot na lang ang pumapasok na customer.

Hindi ba gaya ng mga tindero sa isang mall or palengke, tricycle or jeepney drivers, araw-araw nagkukrus ng landas, hindi maiiwasan na di magkabatian (plastikan man o hindi) Kaya tuloy nakikilala nyo din ng lubusan ang isat-isa and eventually nagkakaroon ng unawaan.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Last edit: Post by Profit.

why are computer shop owners greedy? 13 Apr 2021 18:48 #1369998

  • leeyah's Avatar
  • leeyah
  • Online
  • Fresh Boarder
  • Fresh Boarder
  • Posts: 18
  • Thanks: 0
Kapag mataas ang kompetisyon normal yata yan

Please Log in or Create an account to join the conversation.

why are computer shop owners greedy? 21 Apr 2021 08:25 #1370019

  • Murdoc's Avatar Topic Author
  • Murdoc
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 2283
  • Thanks: 95

Profit wrote: One factor na mahirap talagang makadevelop ng isang good relatioship sa kapwa shop owners una, hindi naman kayo magkakatabi or kung magkakatabi man hindi nagkakakitaan ng mukhaan araw-araw, kung magkita man kayo minsan yun e kung napadaan or nagkasalubong kayo sa kalsada, ngayon dahil clueless kayo sa isa't-isa nanjan na pumapasok yung mga masasamang haka-haka sa kapwa mo, na feeling natin laging may ginagawang masama or sinisiraan tayo kahit wala namang matibay na ebidensya. Dagdag pa natin yung factor na mahina na ang demand samga computershop at nagkakaagawan talaga dahil kakapiranggot na lang ang pumapasok na customer.

Hindi ba gaya ng mga tindero sa isang mall or palengke, tricycle or jeepney drivers, araw-araw nagkukrus ng landas, hindi maiiwasan na di magkabatian (plastikan man o hindi) Kaya tuloy nakikilala nyo din ng lubusan ang isat-isa and eventually nagkakaroon ng unawaan.


i dont believe na yung pagkikita or physical nandyan sya nakikita mo ang nag mo motivate para maging maganda pakikitungo natin sa kapwa ka negosyo... I think dahil cguro sa comp shop ang primary source of income, or parang bread and butter natin ito, at sa agawan na siguro ng tomer kaya nagkaka ganun......

meron din naman akong ka tropa sa mga pag be breed ng livestocks na paninda rin at magkatropa kami sa facebook lang wala namang ganyanan na siraan.... its probably because side line lang namin yan not primary source of income.... survival of the fittest cguro ang dahilan

Please Log in or Create an account to join the conversation.

why are computer shop owners greedy? 24 Apr 2021 15:10 #1370026

  • artorius's Avatar
  • artorius
  • Online
  • Expert Boarder
  • Expert Boarder
  • Posts: 1083
  • Thanks: 44
masyado kasi maliit ang range ng market. puro walkins lang within the area. hindi nag e-exist ang tinatawag na suki or regular client.

unlike sa ibang business like printing. may kanya kanyang kliyente yan. kaya kahit magkakatabi hindi mag magkukumpetensya. otherway around magkakatulungan pa. kung pmeron ka project pero kulang ka sa gamit or manpower or loaded ka na masyado. pwede ka pa subcon sa kabila sa wala masyadong gawa then vice versa .
win win situation

same din sa mga resto . nagwork din ako kasi dati as crew. pag naubusan kami ng kanin or pang rekado . hihiram muna kami sa katabi. then ibabalik na lang sa market day.

sa market pwede rin yan. meron ako nakikita humiriham or bumibili ng paninda sa kabila pag may order sa kanya at nagkataon naubusan sya. lalo na ngayon uso ang online ordering.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

  • Page:
  • 1
Moderators: Manoi SkeeItwarehouse Speclin
Time to create page: 0.089 seconds