More than enough na yan. Pero sobrang tumal na talaga ng comshops ngayon even before the pandemic. Kahit matapos 'tong pandemic, I don't think babalik pa ang sigla ng comshops. Halos lahat ay may laptop/PC na sa bahay dahil napilitan nang bumili dahil sa online class at work from home na set up. Yung mga di afford ang laptop, may smartphones naman. Yung gamers, sa phone na rin naglalaro. Pati ibang mga PC games, may phone versions na rin. Yung di naman gamer at gusto lang mag-surf or mag-type ng documents, sa phone na rin. Mga estudyante nagdadownload na ng MS Word sa phones nila. Dun na sila gumagawa. Pumupunta na lang sa comshops para magpaprint. Baka nga even after the pandemic eh iaadopt na talaga ng schools ang online submission ng assignments kaya less na rin kahit printing. May mga pangarap talagang di natutupad, boss. Mas okay na yun kaysa magtapon ka ng pera. I'm sure di mo pinangarap na magkaroon ng comshop na nilalangaw at ikaw lang naglalaro.