Ok lang yan sa nagsisimula pa lang, like 10-15 houses na client pero syempre depende pa din sa number of devices at apps na gagamitin ng mga magiging client mo at bandwidth plan na i-oofer mo kung sa home wifi business gagamitin, Sa gaming oks din ang routing nila according sa mga tropa, parang converge maganda routing sa mga popular games unlike kay pldt now, may problema sila sa routing last December 2021 pa, especially international server.
Good thing may option din yan for Static IP subscription as add-on. add 700pesos sa bill. Pero yun nga parang Converge din yan si Globe by approval pa ang static IP request for residential plan.
P.S
Medyo late na kasi to reply ko pala btw kung hindi ka pa nakakapagpasa ng application, try mo na din sa application pa lang kung may option si Globe na Static IP request para pagkainstall sayo static IP na...jackpot ka na jan add 700 lang same performance na yan sa Biz plan nila. Then upgrade upgrade ka na lang ng plan kapag kinukulang ka na sa bandwidth.