TOPIC: Problems with FTTH business

Problems with FTTH business 05 May 2023 16:09 #1370902

  • Murdoc's Avatar Topic Author
  • Murdoc
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 2425
  • Thanks: 95
isa ako sa lumipat, from comshop to FTTH business.... dahil sa una, ang ganda daw... para ka lang tumatanggap ng pension, pag all set na, wala ka nang gagawin kung di mag hintay nala at maniningil ka nalang...

pero magka iba ang expectation vs reality, sa negosyo na ito, marami rin akong natutunan kahit hindi pa ako naka 1 year sa business na ito, share ko din sa inyo....

ang pagkaka alam ko madali lang at di magastos mag setup, nung patagal ng patagal na, nalaman ko sobrang magastos pala, marami pa pala akong dapat bilhin, una, need ko ng ladder na hindi conductive para safe sa electrical.... at sobrang mahal pala nito nasa 14-20K, compared sa aluminum ladder... another gastos, kargahan ng ladder, in my case, good thing may car na ako pwedi ko pagawan nalang ng roof rack kotse ko, yun ang ginawa ko... kala ko OK na lahat, pero, nalaman ko rin, nung may napuputol akong mga fiber cables, sa mahahabang latag, hirap hanapin kung saan ba ang naputol, so need ko nanaman pala gumastos sa OTDR - Optical Time Domain Reflectometer, which is very expensive nasa 13-15K, pang pen point kung ilang meters at saan ba naputol... ngayun pano ko dudugtungin ang putol, pwedi ko naman gamitan ng coupler per matrabaho at hindi maganda ang result mataas ang loss at magastos sa SC connector... need ko nanaman ng Fusion Splicer Machine.... 40-45K nanaman......


Nung akala mo, OK na lahat, kasi completo ka na ng mga tools.... may problema nanaman sa mga permits.... hindi tulad ng computer shop, sa 15years ko sa business, hindi pa ako sinita ng OBM (Optical Media Board) reagarding sa piracy, 100% gamit kong software mga pirated din tulad nyo, pero OK lang yun... as long as meron kang Business Permit at BIR. Kung mahirap e comply lahat ng mga papers sa compshop... wala pa yan sa kalahati, sobrang dami ng problema pag dating sa papers pag papasok ka sa FTTH...... Sa FTTH, other than DTI, Business Permit, BIR, ang dami pa palang dapat mong asikasohin... Need mo ng MOA(memorandom of aggrement) sa telco, para magkaroon ka ng permit to resell, yung akala mong binili mo na ang bandwidth sa telco wala na silang paki kung ano gagawin mo dun, hindi pala ganun, kahit naka SME ka na, need mo pa ng MOA, which is super expensive, although, in my case hindi pa ako nag process nito, pagkaka alam ko nasa 1K per 1mbps.... so kung meron kang 500mbps na e resell, need mo magbayad ng 500K a year... pano ka pa magkakaroon ng income nyan? pero OK lang wag mung intindihin yung MOA na yan, may isa pang problema, NTC permit, need mo ng VAS (Value Added service)... kala mo ba OK na? hindi pa, may isa pa, pano ka makakapag kabit sa post? need mo nanaman ng JPA (Joint Pole Agreement) sa electric coop nyo.... pag kulang ka ng isang requirement, Hindi ka mabibigyan ng JPA ng iyong electric coop.... at hindi lang yan, kahit lets say naka comply ka sa mga requirements, magbabayad ka parin kada poste ng kuryente, nasa P35 per poste monthly..... athough pwedi ka naman hindi mag comply kahit isa sa mga na mention ko... but you'll put your business in jeopardy.....

another problem din, na hindi related sa mga business permits and other papers na kilangan, maraming madumi mag negosyo, may nang puputol ng mga latag, simpre sino pa eh di si competator mo... uso din dito sabotahe ng mga fiber cable..

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Problems with FTTH business 07 May 2023 19:28 #1370903

  • Profit's Avatar
  • Profit
  • Online
  • Senior Boarder
  • Senior Boarder
  • Posts: 504
  • Thanks: 60
Sa lugar mo na yata yan sir, lalo na provincial setup magkakalayo kasi masyado mga residential houses, Pag sa poste ka talaga ng electric coop need mo jpa may ibang option wag ka sa poste nila magsabit if possible gawa ka sarili mo,

At kung naguumpisa pa lang i don't think kakayanin agad kumuha ng MOA, Halos lahat nang nagumpisa hindi naman agad-agad nag MOA or leased line na agad, usually mga 100clients and up na may capacity kumuha nyan. And even kumuha ka ng leased line dahil yun lang naman tlaga ang may MOA, pang front lang naman yan pagkuha ng VAS, may secondary line ka pa din gagamitin usually business line or even residential(kung alam mo paano gamitin efficiently).

Like dito sa NCR, maraming lugar di mo need kumuha ng JPA, gaya ko pinapasok ko mga HOA or compound o yung mga looban, may sarili silang poste at kung wala ako na naglalagay depende na lang sa agreement ng officials nila.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Problems with FTTH business 12 May 2023 12:06 #1370908

  • Murdoc's Avatar Topic Author
  • Murdoc
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 2425
  • Thanks: 95
"At kung naguumpisa pa lang i don't think kakayanin agad kumuha ng MOA, Halos lahat nang nagumpisa hindi naman agad-agad nag MOA or leased line na agad, usually mga 100clients and up na may capacity kumuha nyan. And even kumuha ka ng leased line dahil yun lang naman tlaga ang may MOA, pang front lang naman yan pagkuha ng VAS, "


actually lahat ng players dito walang JPA, based sa electric coop nag verify ako pinuntahan ko, not sure if may MOA sila at, more likely walang VAS kasi hindi sila pumasa sa JPA application.... at uso din dito ang pambubully sa mga small players... mag p pretend sila na completo sila ng papers.... uso lang sindakan at palakasan ng loob... sahat naman dito walang JPA at mga naka telco branded na nakaw na FoC kaming lahat dito.... sa streetlight na poste hindi gaano kataas, mahirap pag mababang latag prone sa sabotage... pero nag tatap din ako sa streetlight ng bgry malayo nga lang ang agwat...

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Last edit: Post by Murdoc.

Problems with FTTH business 02 Jun 2023 23:31 #1370918

  • codedead's Avatar
  • codedead
  • Online
  • Expert Boarder
  • Expert Boarder
  • Posts: 706
  • Thanks: 46
true grabing gastos, malalang problem experiences, magkakauban ka minsan makakalbo pa sa problema, akala nila ang dali lang, akala nila ganun lang haha, pero mabuti nga iyong iba FTTH na, ako nga may P2P pa! hehe mas mahirap kapag P2P kakalbohin ka talaga haha... regarding naman sa MOA, VAS, JPA, bakit di kayo bumuo ng group? kagaya ko, may grupo ako at marami kami sa grupo namin, mas madaming kagrupo mas lumiit iyong binayaran namin sa mga ganyan, down side lang nito(sa legal) di mo magagamit name ng business mo, isang name lang lahat kayo, kasi nga group, pero sa labas pwede syempre... kapag may group halimbawa iyong fusion machine even ladder etc. naghihiraman lang kami(dati), pero ngayon di na, mapepera na eh! haha napakarami pang maeencounter na problema sa business na ito, pero kung mamahalin mo sya kagaya dati sa dating business natin na LAN SHOP, Internet Shop, Internet Cafe, Computer Shop, syempre aasenso tayo! sa mga problema ng kahit ano mang business, wag nalang nating isiping problema, bagkos ay pasalamatan pa nga at dapat na ikatuwa, dahil sa kada problema na yan napakaimposible naman na wala tayong matutunan! Ang Buhay ay isang napakalaking PROBLEMA! kaya kung gusto pa nating mabuhay, alams na... ^^

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Problems with FTTH business 02 Jun 2023 23:39 #1370919

  • codedead's Avatar
  • codedead
  • Online
  • Expert Boarder
  • Expert Boarder
  • Posts: 706
  • Thanks: 46
kaunting payo lamang, sa kada client na makukuha nyo at kapag sa tingin nyo maganda ang location ng client nyo, sabayan nyo na ng hotspot! at kapag nakakaluwag luwag na kayo, magparaffle din kayo kagaya ko.... shortcut na ito, lahat ng ginagawa natin may purpose syempre, alangan namang wala! haha

m.facebook.com/story.php?story_fbid=pfbi...7203&mibextid=Nif5oz

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Problems with FTTH business 07 Jun 2023 09:57 #1370921

  • Murdoc's Avatar Topic Author
  • Murdoc
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 2425
  • Thanks: 95
boss yun voucher na ginamit sa raffle, naka pwedi ma reproduce ng clients mo para marami silang entry at malaki chance manalo... ano kaya magandang gawin para di mapeke voucher natin

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Problems with FTTH business 07 Jun 2023 10:00 #1370922

  • Murdoc's Avatar Topic Author
  • Murdoc
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 2425
  • Thanks: 95
mabuti dyan sa iyo nag tutulungan, dito nag hihilahan pababa... marami nang sasabutahi sa mga latag... ayaw makipag tulungan gusto nila sila ang ang kikita

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Problems with FTTH business 22 Jun 2023 18:21 #1370939

  • codedead's Avatar
  • codedead
  • Online
  • Expert Boarder
  • Expert Boarder
  • Posts: 706
  • Thanks: 46

Murdoc wrote: boss yun voucher na ginamit sa raffle, naka pwedi ma reproduce ng clients mo para marami silang entry at malaki chance manalo... ano kaya magandang gawin para di mapeke voucher natin


medyo mahirap narin mapeke iyong may scratching kasi may plastic yan pagkascratch mo, medyo mahirap narin ata yan mapeke, pero ewan ko nlng so far wala pa naman kami nakikita na namemeke ng voucher para lang maiparaffle i mean as raffle entry, at kapag meron, bka ang gawin ko isang beses nlng isang tao pwedeng manalo para magkaroon din chance iyong iba... sa mechanics ko kasi ngayon wala, mas marami entry mas pwedeng isang tao lang ang makakuha ng lahat ng premyo...

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Last edit: Post by codedead.

Problems with FTTH business 22 Jun 2023 18:25 #1370940

  • codedead's Avatar
  • codedead
  • Online
  • Expert Boarder
  • Expert Boarder
  • Posts: 706
  • Thanks: 46

Murdoc wrote: mabuti dyan sa iyo nag tutulungan, dito nag hihilahan pababa... marami nang sasabutahi sa mga latag... ayaw makipag tulungan gusto nila sila ang ang kikita


mabuti nga talaga dito mga mature mag isip mga player hehe pero meron ding ibang player na ang tawag namin KAMOTE PLAYER haha walang kwenta din service nila, kaya di namin pinapansin... tsaka di pa naman dito garapalan... may respeto pa naman kahit papano, patindihan nalang sa service...

Please Log in or Create an account to join the conversation.

  • Page:
  • 1
Moderators: Itwarehouse Speclin
Time to create page: 0.106 seconds