Nabasa ko ito dati. Na magandang i-share dito.
Ingatan ang computer habang ito ay rine-repair. Na parang sa iyo ito. Kahit na yung lumang model na. Kasi yung ibang customers ay binigay na gift sa kanila ito, na meron tinatawag na sentimental value. Na maaring binigay ng kanilang anak or apo ito sa kanila.
Maging honest sa customer. Huwag i-over price or manloko sa piyesang ipapalit or pinalitan. Ibalik ang old parts kung nag-upgrade ka sa PC ng customer.
Huwag makigamit ng phone, printer or computer sa customer, para sa iyong personal na gagawin or nais gawin.
Hope naging additional help or informations ang mga ito, para tayo ay maging tinatawag na reliable, honest at dependable na computer technician. Sa ating mga customers at magiging customers.