Lagi din nyong ipakita ang laman ng bag at bulsa nyo bago lumabas kahit na hindi sila naghahanap ng nawawala. Minsan napagbintangan ako ng inaayusan kong shop nung hindi pa uso ang diskless puro traditional ang mine-maintain ko. Nawalawalan daw sila ng RAM kasi nung pagbukas ko isang RAM na lang nakalagay. Tinawagan pa ang tita ko kasi nahihiya daw ako sabihan. Kinausap ako ng tita ko sa phone, sabi ko hindi ko talaga kinukuha. Para makuntento sila pinakalkal ko gamit ko sa bag and bulsa,inalis ko sinturon ko at pinahawak ko pa sa asawa nya bewang at pwet ko para malaman nila wala akong tinatago.Kahit garter ng brief ko pinakita ko din.Sa huli,sila pa ang napahiya.Sorry sila ng sorry sa akin.