turbospoke wrote: ok lang ba parate mag declare ng NO or negative INCOME sa quarterly at annual kasi mas malaki ang cost of sales parate kaysa gross income? ang totoong gross income ay mas malaki pero dahil ang declared gross income ay kalahati lang ng actual income. sinusunod nyo ba ung declared gross nyo sa COR o lumalampas pa? kung lampas sa gross income ina-update nyo ba ito sa bir o hindi? paano kung update from 100k to 500k bibigyan ka ba ng bagong COR? bawat taon ilan ang dinadagdag nyong increase sa taxes nyo? ano ang implication kung parate ka mag NO or negative INCOME iimbestigahan ka ba ng bir?
nagtatanong lang kasi alam kong ganyan ang kalakaran o style ng karamihan.
Ayon sa mga accountant na nakausap ko, pag single proprietorship na business, may 3 years "daw" na expected ng BIR na pwede ka malugi. Kapag mga 5 years and up na puro lugi ka, magtataka na raw sila na bakit ka pag nag-ooperate. Ang resulta, pwede ka ma-audit. Ang odds o posibilidad na ma-audit ka ay maliit dahil nga mas maraming malalaking kumpanya diyan. Pero pwede pa rin mangyari sa iyo dahil "daw" random minsan ang pagpili ng i-o-audit. Kapag napatunayan na hindi ka nagdedeclare ng tamang sales, penalty o demanda ang katapat. Ang isa pang epekto na lagi negative ang ITR ay yung pag-aaply ng loan. Syempre kung nakalagay sa ITR mo na negative, ibig sabihin hindi ka kumikita at lagi ka. Hindi ka syempre papautangin. Karamihan din ngayon, required na ITR, tulad ng pagbili ng kotse, etc. Dahil computerize na, kaya matrace ng BIR pag bumili ka ng kotse, etc.
Alama naman natin na marami nandadaya sa books o declared sales pero sabi nga ng nakausap kong accountant, dapat realistic. Ibig sabihin kung puro lugi ka o sobra taas ng expenses mo kumpara sa sales mo, pwede ka masilip ng munisipyo o BIR. Kasi nga, halata agad na hindi nagdedeclare ng actual sales.
Yung COR (certificate of registration), diyan nakalagay kung vat o non-vat ka. Kung VAT, actual o expected annual gross sales mo ay mas mataas sa 1.5M. Kung mas mababa, NON-VAT o percentage tax. Sa COR din nakalagay yung mga type ng taxes na dapat mong bayaran tulad ng annual registration fee, withholding tax, expanded tax, etc. Yung kinikita mo sa shop, hindi yan nakalagay sa COR. Wala nakalagay sa COR kung magkano ang gross sales mo o monthly sales. Kung dati NON-VAT ang business mo, tapos lumampas ka sa 1.5M annual gross sales, sa susunod na taon kailangan mo ng magpalit sa VAT at bibigyan ka ng bagong COR na VAT na. Ano mangyayari pag hindi ka nagpalit ng COR, penalty rin pag nahuli ka na mas mataas ang declared gross sales mo 1.5M at tapos ya NON-VAT ka pa rin.
Yung declared monthly sales mo, sa form 2551M mo yan dinideclare para bayaran yung 3% sales tax, kung NON-VAT ang business mo. Kapag VAT, ibang form ang ginagamit at hindi 3% ng sales, may VAT input/output yan para malaman ang sales tax. Sa quarterly ITR (income tax return) naman (form 2550q) malalaman kung magkano babayaran mong income tax pag binawas mo na yung expenses mo sa gross sales mo.
Disclaimer:
Mag konsulta rin po kayo sa mga accountant para maverify yung mga info na pinost ko dito.