Print shop lang po, hindi naman kami umuupa kasi sarili po pwesto.
Ang printer ko ay dalawang L120 epson, original ink lamang kasi maarte ako (245/bottle), book paper gamit ko (P165/1 ream of 500 and short, P200 naman long)
short black text - P1
long black text - P1.50
1 whole colored full graphics - P10 (short) - P15 (long)
rush ID - 2 pcs 2x2, 6 1x1 - P40
cute size - P3
wallet size - P5
3R - P10 pag isa, P8 pag 2+
4R - P14
5R - P20
8R - P40
Lugi po ba ako kung original ang gamit ko at P1 lang ang singil ko? Sa isang shop na original ink din ang gamit, P3 na ang singil. Karaniwan po kasing customer ko ay mga public school teachers na pumapasok sa central school na harap lang ng pwesto ko. Gusto ko na magtaas sa kahit P1.50 per short man lang.
Safe po ba gumamit ng generic ink sa Epson L120? Takot ako heheh