TOPIC: Im thinking of quitting FTTH business

Im thinking of quitting FTTH business 24 Nov 2023 08:03 #1371135

  • Murdoc's Avatar Topic Author
  • Murdoc
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 2425
  • Thanks: 95
maganda sana ang ganitong negosyo, passive income lang wala ka nang gagawin oras na ma setup mo na lahat, parang pensioner ka nalang mag ko kolekta ka nalang ng monthly dues nila..... Yung ang nasa una kung nasa isip nung pinasok ko ang ganitong business (Local ISP).... akala ko madali lang, di ko rin alam nung una na sandamakmak pala na mga requirements at kilangan para maging legal ang operation mo... di ko rin na isip na sobrang mamahal pala ng mga tools, like sa fusion machine... kaya pasok lang ako ng pasok walang preparasyon sa business na ito di ko akalain na sobrang mapuhunan pala....

at pinaka worse pa na experience ko dito, uso pala dito ang hilahan pababa, hindi uso dito ang "mind your own business" . oras na ma silip ka na nag sisimula pala at walang lisensya e report ka. pag di na actionan naman sa pag rereport, oras na malaman nila na mahina ang manpower mo sa repair, titirahin mga latag mo pag puputulin... ganito pala dito.

nakag invest na ako at may kunting income naman so far, pero nag dadalawang isip pa ako if e tutuloy ko pa rin ba ito, if itutuloy ko ito need ko pa mag invest ng mga repair tools like OTDR, Fussion splicer, etc... ang laking pera bukod pa dyan, di parin masabing smooth na ang negosyo kong ito, may mga gagastohin parin sa mga papers sa legal aspect like LL, MOA, NTC, JPA.... walang room for small player na nag sisimula pa lang bully na agad aabutin pag nakita mga small players ni big players, at ito pinaka ayaw ko...

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Im thinking of quitting FTTH business 24 Nov 2023 10:40 #1371136

  • Profit's Avatar
  • Profit
  • Online
  • Senior Boarder
  • Senior Boarder
  • Posts: 504
  • Thanks: 60
Pa "umbrella" ka sa mga VAS holder na ISP kung problema mo VAS at MOA, dito sa manila mga VAS holder pwede ka maki umbrella meaning lalabas ka bilang branch operator nila, @40k bibigyan ka nila ng copy, then mag monthly ka na lang sa kanila around 10k for as low as 200mbps PLDT line, yan yung average na inooffer. Usually Mayors Permit, Barangay at DTI mas ok same na lang business name mo same sa name ng VAS holder para walang butas Yan eh kung gusto mo pa magpatuloy lalo na kung nakikita mo malaki potential sa mga area gusto mo pasukin. Marami ka nyan makikita inquire ka lang sa mga facebook groups.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Im thinking of quitting FTTH business 28 Nov 2023 10:01 #1371137

  • Murdoc's Avatar Topic Author
  • Murdoc
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 2425
  • Thanks: 95
nasa 12K na ang total collection ko a month kasama na pisowifi.... need talaga sumipsip or makisama sa mga VAS holder, may friend ako may offer sya sakin, 5K a month kasama na internet at pa umbrella... pwedi na rin, sobrang liit palang ng network ko mura na yang 5K a month kaso ka uumpisa ko palang naka mediacon palang ako server ko nga haplite pa lang, walang wala talaga ako na nag umpisa at nag iipon pa ako pambili ng fusion machine at OTDR... mahirap din maka kuha ng client pag hindi deadspot, mababa singil ko, 600 for 10mbps...... P800 for 20mbps.... P1000 for 50mbps..... hindi ako pweding tumaas sa 1K kasi rerekta na sila sa globe/pldt pag ganyan

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Im thinking of quitting FTTH business 23 Dec 2023 22:24 #1371142

  • codedead's Avatar
  • codedead
  • Online
  • Expert Boarder
  • Expert Boarder
  • Posts: 706
  • Thanks: 46
lipat ka nalang boss, pasensya na pero parang ang pangit ng area mo, dapat makakuha ka ng magandang area at the same time marami pang mga karatig bayan na mga dead spot, kasi sa magandang area ka magsisimula mag iipon bago ka makapunta doon sa mga hidden spot... ganyan naging parang cycle ko....

Please Log in or Create an account to join the conversation.

  • Page:
  • 1
Moderators: Itwarehouse Speclin
Time to create page: 0.059 seconds