Ano po problema ng client pc ko na ito.... bigla na lang namamatay tapos kapag nagrestart bootloop na sya. Nacheck ko na ram, di naman ram problema. Nacheck ko na din ibang components. Pero kapag nakatanggal lan cable nagboot naman sya. Kapag nakakabit yung la boot sya hanggang branding lang ng motherboard tapos restart na agad, di mang lang umaabot sa loading screen ng windows. Pero kapag nakaalis lan cable nagboot at di namamatay pero di na tutuloy kasi diskless setup ko. Solution ko nilipat ko ng port yun cable nya sa switch mismo. Umayos ng ilang araw pero ngayon bigla na naman nagloko. Pero binunot saksak ko lang lan cable at restart ok na ulit. Anu po kaya nagcacause ng pagloloko nito? TIA.