Good day mga kaulop. Nais ko pong humingi ng mungkahi o payo mula sa inyo. Nangungunsume ako ngayon dahil sa BIR na ito. Napuno na ang aking Columnar Book at kinakailangan ko na magpatatak ng bago. During the process may binigay silang list (open case ata tawag dun) na kinakailangan ko i-submit sa kanila ang 12 photo copy of 2551m,s at isang itr of 2009. Ang problema is meron (3) receipt ng 2551m na hindi ko na makita -> 2551m of May 2012, 2551m of Feb 2011, 2551m of Jan 2011 at (1) ITR of year 2009. Bale apat ang di ko makita. Bayad naman lahat yan sigurado bakit kailangan pa nila yan???? Pinagpepenalty nila ako ng 4K dun sa apat na yan. Meron po ba naka experience sa inyo nito???Ano kelangan ko gawin or may magagawa pa ba ibang paraan???