Happy New Year to everyone!
Dito rin samin konti lang din nagpaputok, iilan lang sinturo ni hudas, puro fountain at kwitis, pero bongga, almost 30mins din ang show... atleast safe lahat.
pero, bongga talaga dati bawat bahay may paputok kahit maraming bakanteng lote dito samin, pasko pa lang may nagpapaputok na... kahit ako natutuwa akong bumili at magpaputok sa mga bakanteng lote, tae, bahay ng bubuyog, saging, etc.
dati noong 90's kahit 11am na marami pa ring usok sa kalsada, tuwang tuwa kami kasi parang langit, puro ulap pero usok, hahahah. Naranasan ko ung 5star pumutok agad pagkasindi ko, kasi d ko binawasan ng pulbura ung mitsa, akala ko habangbuhay na kong mabibinge, pati darna at pill box, sarap ko pumutok akala ko mabubulag na ko... masaya talaga dati, pero ngayon ko lang din naisip na dangerous pala ginagawa namin kung nagkamali.