Welcome, Guest
Remember me

TOPIC: Nakakamis ang dating ULOP at masiglang LANshop

Nakakamis ang dating ULOP at masiglang LANshop 14 Apr 2022 10:47 #1370441

  • Murdoc's Avatar Topic Author
  • Murdoc
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 2343
  • Thanks: 95
nakakamis ang daming masayang bangayan, asaran, katuwaan dito sa ulop... at masiglang shop na minsan kumikita ka ng 1500-2500 a day... ngayun wala na... kulilat na tayo... tahimik narin ang ulop wala na yung mga magagaling dito... simula nung nauso na ang mobile gaming, humina na tayo, tapos tuluyang pinatay na ang industriya nito ng pandemic

Please Log in to join the conversation.

Nakakamis ang dating ULOP at masiglang LANshop 15 Apr 2022 11:05 #1370442

  • Profit's Avatar
  • Profit
  • Online
  • Senior Boarder
  • Senior Boarder
  • Posts: 481
  • Thanks: 56
karamihan nag change of business na e, dagdag mo pa fb groups, pagpinasukan nananman ng usaping religion at politics pwede pa siguro mabuhay ang forum na to haha.

FTTH business topics pwede din, since madami mga ftth small players na dating lanshop owners,

Please Log in to join the conversation.

Nakakamis ang dating ULOP at masiglang LANshop 15 Apr 2022 15:05 #1370443

  • Murdoc's Avatar Topic Author
  • Murdoc
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 2343
  • Thanks: 95
wala pa kasi dito fiber, sa kabilang town 90KM away meron na globe fiber... ano ba magandang kunin pag mag FTTH business? yung 500mbps ok na kaya? nasa 5K ang monthly mejo mahal....

as of now nabubusy rin ako, im tryin to revive my shop mag buwas ako kahit 5units lang muna before mag election.... kahit stressful ang shop business napamahal narin ako dito kahit panay reklamo ko sa mga uncout, loud talking dota players, nakakamiss din, nakakabingi ang sobrang tahimik.... may nabubusihan din akong business ha palengke tindahan kaso ang liit ng kita.... nasa 150 a day ang net....

Please Log in to join the conversation.

Last edit: Post by Murdoc.

Nakakamis ang dating ULOP at masiglang LANshop 15 Apr 2022 15:54 #1370444

  • Profit's Avatar
  • Profit
  • Online
  • Senior Boarder
  • Senior Boarder
  • Posts: 481
  • Thanks: 56
pwede na kahit 200mbps (4.5k) unli fiber biz ni Globe w/ static ip sa magsisimula pa lang...di naman agad agad madami ka na clients. Goods na yan 200mbps kung ang average speed plan na ioofer mo ay 10-20mbps each of up to 30-40clients maximum... Di naman lahat yan nagsasabay-sabay ng gamit.

Now may iba pang alternatives kung saan mas makakamura ka lalo na't starting ka pa lang naman, like kuha ka residential plan then ipa static mo kay Globe. add 700php ka lng nyan sa monthly bill ng kukuhanin mong residential unli fiber plan.

Kung may PLDT din jan may mga workaround para mabypass ang cgnat issue sa residential plans.

Kung Converge naman 3500 residential plan nila kung maapproved ka for static IP add 700php din sa monthly bill, 800mbps yun...kahit 200+ households kaya na nun icater sa average 10-20mbps each household/subscriber.

Now ito pa isang good news, may mga smart wireless 4g/5g unli plan na for as low as 999/monthly.goods na yan pansimula at lalo na wla pang fiber jan sa area mo...Hindi pa ganun ka metikuloso at kaselan mga resident jan. Oks na yan sa kanila mejo mas mataas lang latency compare sa fiber ISP(pldt, globe, converge)...with the right equipment pwede mo makuha speed sa 5G kahit 800mbps or more depnde na lang sa loc. at layo sa tower.

Please Log in to join the conversation.

Last edit: Post by Profit.

Nakakamis ang dating ULOP at masiglang LANshop 15 Apr 2022 18:31 #1370445

  • Murdoc's Avatar Topic Author
  • Murdoc
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 2343
  • Thanks: 95
salamat sa info, ano ba ang advantage ng static IP sa fiber?
ang 4g/5G hindi ba baka static IP yan?

Please Log in to join the conversation.

Nakakamis ang dating ULOP at masiglang LANshop 23 Apr 2022 16:11 #1370448

  • Profit's Avatar
  • Profit
  • Online
  • Senior Boarder
  • Senior Boarder
  • Posts: 481
  • Thanks: 56

salamat sa info, ano ba ang advantage ng static IP sa fiber?


Once you are under Static IP(aka Public Static IP) you are not behind CGNAT anymore. Iba din ang gateway mo so mas maganda interms of latency, kumbaga ang mga naka static IP nasa express way ang daan, CGNAT IP's sa service road na mas maraming dumadaan kaya congestion ang major issue lalo na during peak hours.

CGNAT(Carrier Grade Network Address Translation) yan ang ginagamit ng mga ISP para makatipid ng IPv4 Public IP address in a sense na parang naka connect ang mga subscribers sa isang very powerful router called CGN(Carried Grade Network) na nagaassign ng one Public IPv4 IP into multiple residential dynamic private IP's. Residential account nowadays automatic yan behind CGN unlike DSL era hindi pa ganun kadami ang may internet. Kaya hindi pa nun kinakapos sa available public IPv4 address globally.

So ang nagiging disadvantage ng mga subscribers specifically residential account, may limitations na ginagawa ang mga ISP para hindi ma saturate or ma congest ang CGN power resources nila. Kaya pag hindi ka naka Static IP nanjan yung nilalagyan nila ng limitation/threshold kung gaano lamang ang concurrent tcp connection/sessions per subscribers...Sa Converge residential non-static plan notorius sila sa paglagay ng much limited number of connections/sessions vs PLDT na once na mareach mo yun, dun mo mapapansin parang bumabagal ang web browsing, loading page error sa mga websites, failed to conduct speedtest kasi nga ang nangyayari once na mareach yung threshold na nilagay nila drop packets na. Kahit pa sa monitoring mo ni hindi man lang nasasagad yung bandwidth allocation ng plan mo. So hindi sila recommended i-resell sa large amount of internet users, dahil sasakit ang ulo mo sa reklamo ng magiging clients mo lalo na kapag madami na.

Sa PLDT naman medjo maluwag sila jan sa tinatawag na concurrent connections/sessons limitations, ang nagiging problema naman sa PLDT residential, tumataas ang ping, bumabagal ang internet speed during peakhours kapag mataas na overall bandwidth usage mo...Pero lahat yang behind cgnat high chances talaga na bumabagal at tumaas ang ping lalo na kung congested ang CGN bagay na naiiwasan sa static IP subscription. unless facility na ni ISP talaga sa area ang saturated.

Sa computershop kung gagamit ka ng non-static ip/residential dynamic ip hindi natin yan gaano ramdam dahil iilan lang naman ang units natin marami na siguro 50 client workstation, so small chance na mareach yung binibigay nilang limitations...Worst na yung mataas na ping sa games during peak hours. Now kung gagamitin mo yan to resell sa FTTH biz, imagine mo hindi lang isang device ang magiging client mo kundi kung ilang device per household ang basis. Sa converge residential account gamit ko before hindi ko pa ramdam sa wifi hotspot lang, naramdaman ko yung CGNAT limit ng residential account nung umaabot na ng 15-20household ang napaconnect ko...sakit sa ulo yung cgnat nila lalo na pagdating ng peakhours, kung saaan madami na gumagamit ng devices nila, halos hindi na magamit ng matino panay drop packets, website at app loading ang nagyayaring reklamo.

ang 4g/5G hindi ba baka static IP yan?

Dynamic din yan kung hindi naka corpo sim. Unlike sa fiber ang kalaban mo naman jan sa 4g/5g ay tower congestion or kung hindi corpo sim ang gamit maaring pag na detect na masyadong mataas na ang data usage eh nablocblock naman ang sim. At least may temporary solution bibili ka lang ng bagong sim once na mablock.

Please Log in to join the conversation.

Last edit: Post by Profit.

Nakakamis ang dating ULOP at masiglang LANshop 23 Apr 2022 20:03 #1370452

  • Murdoc's Avatar Topic Author
  • Murdoc
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 2343
  • Thanks: 95
salamat sa info, so kung ok lang naman sa compshop ko na mag dynamic IP di na ako mag static... gaming lang naman habol ko dyan sa fiber na yan kasi i have sufficient bandwidth sa 4G+ ko dito gamit ang B818... kun mag FTTH naman ako cge max na ang 5 households.... 150mbps lang kasi ang globe fiber na kinuha ko (unless maibalik ang signal ng industry tulad dati kahit 6K budget sa ISP ok lang)

Please Log in to join the conversation.

Last edit: Post by Murdoc.

Nakakamis ang dating ULOP at masiglang LANshop 24 Apr 2022 12:46 #1370456

  • artorius's Avatar
  • artorius
  • Online
  • Expert Boarder
  • Expert Boarder
  • Posts: 1094
  • Thanks: 44
6 years ago unti unit nako nag shift sa printing business . internet/lanshop as front only. hindi na kasi masyado pinapansin ng mga lgu at bgy ang mga computer shops.

silver lining?
depende siguro sa location pero dito sa amin necessity na ang mga computer shop lalo na yung mga mga printing at xerox. tipong ang mga tao na ang makikiusap sayo na magbukas ka .

hindi kagaya noong araw, para tayong salot ng lipunan :)

Please Log in to join the conversation.

Nakakamis ang dating ULOP at masiglang LANshop 29 Apr 2022 16:35 #1370466

  • athenaxd's Avatar
  • athenaxd
  • Offline
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 16932
  • Thanks: 3426
time flies fast. kung pwede nga sana balikan eh.

Please Log in to join the conversation.

Nakakamis ang dating ULOP at masiglang LANshop 29 Apr 2022 18:40 #1370468

  • Murdoc's Avatar Topic Author
  • Murdoc
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 2343
  • Thanks: 95
nung dati na na e stress ako sa mga reklamador na tomer sa lag dahil 4G lang, OK lang sana yung at least may income.... ngayun kun kelan may matinong ISP na ako (fiber) wala na dead na ang ganitong business

Please Log in to join the conversation.

Moderators: Itwarehouse Speclin
Time to create page: 0.122 seconds