IMO hindi naman kasalanan nating mga members mag doubt, in the first place mali ang marketing strategy nila, unang una may nagpanggap na user (oli) na nagtatanong kung nasubukan na ba natin itong GCAFE, then later on nagsesales talk na din si oli (so much room for doub), Second sumulpot si GCAFE PRO and advertising the product pero ni isang details on how the product works eh wala, kahit man lang Data Flow diagram wala, isang screenshot at recently made website lang ang pinakita, then after that puro invitation to blah blah blah thing ang ginagawa nya maraming members ang interesado may nagtanong na "Pano gumagana yan? Magkano yan?" puro na lang ang sagot eh "We are all inviting you to ecklavu thing", so syempre ang iisipin natin is ang safety ng business natin, so nagvoice out tayo dahil mali ang strategy nila sa marketing, I'm into learning how the market goes ang masasabi ko hindi ito isa sa mga tamang marketing strategy, usually gumagawa nito ay scammers. So doubt, Wait bakit ako nagvoice out? "Kasi ayaw kong may mga sumubok na co-lanshop owners natin at in the end eh mascam".
Still unsatisfactory ang sales talk nila for me. Sorry.