Sa sobrang dami na ng nakaconnect,hindi ho kinakaya ng internet speed yung sabay-sabay na gumagamit,kumbaga nag-aagawan na kayo sa "loading" ng mga youtube at facebook.Pero kung marunong yung may ari ng internet na gumamit ng bandwidth management,magagawa nya naman na hindi kayo masyado mag agawan sa "loading" kahit sabay sabay kayo gumagamit ng mga nakaconnect.Karamihan ho dito na medyo mabagal ang internet,gumagamit ng bandwidth management.May mga murang router naman na mabibili na mayroong bandwidth management feature tulad ng TP LINK sa shopee na 650 pesos lang.Hindi ho epektibo ang Wifi Adapter dahil hindi na kinakaya ng mismong internet ninyo yung dami ng gumagamit.