TOPIC: Balak magsimula ng Internet Cafe

Balak magsimula ng Internet Cafe 21 Dec 2014 07:39 #906134

  • mayben's Avatar
  • mayben
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 7094
  • Thanks: 452

Juarez wrote:

archbishop wrote: ah wag mo na tuloy as traditional shop ehehe barrio yan for sure lipana na mga pisonet diyan.


Pa'nong traditional shop po sir? kung sa pisonet po wala pa naman akong nakikita dun sa lugar namin.


traditional = may hard disk
diskless = walang hard disk
The following user(s) said Thank You: Juarez

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Balak magsimula ng Internet Cafe 21 Dec 2014 09:13 #906158

  • GameZone
  • Online
  • Senior Boarder
  • Senior Boarder
  • Posts: 293
  • Thanks: 2

Juarez wrote: Mga masters! gud day po! OFW po ako na nagbabalak magsimula ng ganitong negosyo para makasama ko na pamilya ko sa Pinas. Computer literate din po ako, pero technically, wala akong idea sa ganitong business kung papa'no ang mga dapat gawin at kugn saan magandang bumili ng units dyan sa Pinas na hindi maloloko ng mga mapagsamantalang nagbibenta. Tips naman po dyan mga masters. TIA!


paps pano mag OFW? heheh tips din po.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Balak magsimula ng Internet Cafe 21 Dec 2014 09:50 #906177

  • jfegrafix's Avatar
  • jfegrafix
  • Offline
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 2593
  • Thanks: 393

LOTR wrote:

jduval wrote: Kung alam/meron/magkakaroon ka ng mga ito:
Pumili ng tamang parts
Magformat
Maginstall ng os/games
Magnetwork
Magmanage ng bandwidth
Magtanggal ng virus/spamware/spyware
Pigilan pagpasok ng virus/spamware/spyware
Magdetect ng problem sa network
Magcrimp
Mginstall/configure ng timer
Marunong hanapin kung hardware o software ng cause ng hang/bsod ng client
Alam kung paano magpalit ng hardware sakaling masira
Kayang hindi matulog ng ilang gabi upang mgayos ng pc
Kayang I handle ang stress
Mawalan ng time para sa partner

Isa lang ang dahilan upang pigilan kitang magtayo ng shop.... Kung magkababy ka
Goodluck
;-)




=======================================================

moonlike wrote: kung umpisa pa lang wala kayo alam, wag nyo na simulan, karamihan dito marami na experience sa computer business, kaya kung sabi nila wag mo na try tama yun why. magsisi ka lang tapos 10 - 11 units lang teka, bibili ka ba license OS at office, kukuha ka ba permit or tulad din na iba tayo na tayo na lang ng shop tapos bigla gawing 10 pesos per hour, umaalis alis ka na, tapos di dahilan dahil may pera ka pwede ka na magtayo ng shop, mahirap ibalik yung ROI sa computer shop, tapos 10- 11 unit wiw

kung magtayo kayo shop, paki backgrounf check muna po, di yung may makita kayo shop na madami naglalro tingin nyo kumikita na agad yung shop, parang sa lugar namin lagi pu no shop ko tingin nila yumayaman agad yung shop, mga ulol,,,, kung ako tatanungin nila lugi pa ako sa expenses...


Pag isipan nyo mabuti yan... wag pauto sa sabi ng iba at nakikita ng mata nyo lang



=======================================================

Xentar wrote:
Isa ako doon hindi sumagot nag diretso sayo. Sorry. pero sa kabubuti munaman. Wag ka magopen ng business na Zero knowledge. mahirap ang business na Internet Cafe.

1.) Kota dapat makuha mo buwan
2.) Mga hardware nasisira Need replacement
3.) Competisyon.
4.) Security sa shop, "iwas nakaw"
5.) Maintenance sa Shop " Sino ba magaayos"
6.) Dishonest na Attendant
7.) Rate ng Rental Computer " Normal ngayon is 10 pesos" iba 8 pesos na
8.) BIR Business Permit
9.) Bills sa Internet at Kuryente
10.) Mga Reclamo ng Customer dapat mo ayosin rin.
11.) Local Ordinance na dapat sundin

Lahat yan pinagiisipan mo. araw araw. kung kaya mo then ok. kaso mawawalan kang oras sa pamilya mo.

Kadalasan kasi dito Owner ng Internet Shop maraming Computers 20+ at my experience.

Marami na ako nakita nagsisi na dating Shop Owner, Yong iba close na yong iba Transfer ng location.


=======================================================

JeffVSJeff wrote: think twise muna ser,pero kung sa palagay mo feasible dyan sa area mo at may knowledge ka naman sa papasukin mo eh go lang ...kung wala ka naman knowledge eh ok lang din basta handa ka magpakatanda dito sa ulop kaka-aral at kaka-antay ng mga tutus nila ... ^__^


=======================================================

FDJ7 wrote: Isa na namang gaya-gaya puto-maya

Akala kay daling magpatayo ng internet shop... lol!

Wala na ba kayong maisip na ibang business?

Thousands na ang internet cafe sa Pinas!



=======================================================


Lernquest wrote: saturated na masyado ang internet cafe business...

pero kung yan talaga ang gusto, make sure lang na wag kalimutan ang mga permits and licenses

depende sa lugar handa ka muna mag abono pang kuryente, dsl at pasweldo for the 1st several months...usually mga 30k/month for 6 months

usually yung mga bago ang mahilig mag baba ng presyo para maka attract ng customer pero yun din ang panira sa isang lugar

once mag baba ka ng presyo mahirap ng ibalik sa normal rate yan na 15-20/hr at 5-10/hr na kayong lahat

goodluck nalang...bili ka ng maraming biogesic


=======================================================

gallagher23 wrote: sigurado sir..kapag existing na yang shop mo..mapapakanta ka ng:

di mo alam dahil sayo

ako'y di makakain

di rin makatulog

buhat ng ikaw pasukin

=)



=======================================================

SongHyeKyo wrote:
30 units na ang normal ngayon para magtayo ng internet cafe ...

Para makasure ka na may kikitain ka sa internet cafe mo dapat ...

Kumikita yung rental + service mo ...

Mahirap na sa panahon ngayon na iasa lang sa service ang kikitain mo tapos sa rental lahat ng bayarin ng internet cafe ..



=======================================================

silsplace wrote: Identify your market
Gamers or surfers or mix
Students: from college to elem
Survey games na indemand sa paligid mo o sa competitor mo
Then excute a good game plan
(wag ka lang magbaba presyo always start in regular/standard rate kung may pricewar na sa lugar and you started in 6 unitsonly payo ko sa’yo wag ka ng makipagsapalaran tagilid kana dyan)

GL


=======================================================

prep wrote: kung gusto mo talaga, kelangan mo ng tiyaga ^__^

matututo kang magdildil ng asin o magulam ng patis o bagoong at mantika ^__^

dapat nuon pa nakaplano na kayo para ngayon palang sinimulan niyo na ang business. malakas talaga ngayong disyembre pero after nito oras ang binibilang hindi na pera sa sobrang tumal. pero lahat ng business talagang ganyan. payo ko lang talaga sana kung sana balak niyong magtayo ng business before -ber months, syaang talga eh, kinsenas na.



=======================================================


dagdag pa...

Updated lage mga games mo...
Dapat malamig shop mo (nakatipid ka naman sa pwesto mo)
Pwede ka magpaganda ng interior (sayo naman pala ang pwesto)
Cleanliness sa shop...

Padagdag attract na rin yan...


Pagblooming na shop mo, wag ka tumigil sa expand agad habang malakas pa...
Save lahat kita sa banko para makita ROL...
Kumuha ka credit card sakali mag expand ka pwede gamitin mo credit card at ang babayarin mo ay yong mismong kita sa bagong expand mo (optional lang to para hindi mabasawan ang savings mo)
The following user(s) said Thank You: Juarez

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Last edit: Post by jfegrafix.

Balak magsimula ng Internet Cafe 21 Dec 2014 09:56 #906180

  • dnmi's Avatar
  • dnmi
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 4069
  • Thanks: 190

GameZone wrote:

Juarez wrote: Mga masters! gud day po! OFW po ako na nagbabalak magsimula ng ganitong negosyo para makasama ko na pamilya ko sa Pinas. Computer literate din po ako, pero technically, wala akong idea sa ganitong business kung papa'no ang mga dapat gawin at kugn saan magandang bumili ng units dyan sa Pinas na hindi maloloko ng mga mapagsamantalang nagbibenta. Tips naman po dyan mga masters. TIA!


paps pano mag OFW? heheh tips din po.


Dapat galingan mo sa trabaho. Maging matapat.

Dapat malakas ang loob mong kayanin ang mahiwalay sa pamilya. Dolyares ang kapalit ng lungkot.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Balak magsimula ng Internet Cafe 21 Dec 2014 11:10 #906199

  • mattburnz1's Avatar
  • mattburnz1
  • Online
  • Expert Boarder
  • Expert Boarder
  • Posts: 1149
  • Thanks: 48

dnmi wrote:

GameZone wrote:

Juarez wrote: Mga masters! gud day po! OFW po ako na nagbabalak magsimula ng ganitong negosyo para makasama ko na pamilya ko sa Pinas. Computer literate din po ako, pero technically, wala akong idea sa ganitong business kung papa'no ang mga dapat gawin at kugn saan magandang bumili ng units dyan sa Pinas na hindi maloloko ng mga mapagsamantalang nagbibenta. Tips naman po dyan mga masters. TIA!


paps pano mag OFW? heheh tips din po.


Dapat galingan mo sa trabaho. Maging matapat.

Dapat malakas ang loob mong kayanin ang mahiwalay sa pamilya. Dolyares ang kapalit ng lungkot.


+1 tama c dnmi..dolyares ang kapalet ng lungkot.. ^^,

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Balak magsimula ng Internet Cafe 21 Dec 2014 11:31 #906204

  • visions's Avatar
  • visions
  • Online
  • Senior Boarder
  • Senior Boarder
  • Posts: 518
  • Thanks: 31
Kung ikaw pa lang sa area mo GO Go agad!Sayang ung kikitain mo agad dyan.. Tama ung sabi ng iba dito.. May gagaya saung kapitbahay at magtatayo din sila. Paghandaan mo din yun... InGeneral hindi na maganda ang kitaan dito sa Netshop biz..hindi tulad 5 yrs. ago. Kung ako magkakaroon ng puhunan na meron ka I"ll go for Food or Products mga everyday necessity.
The following user(s) said Thank You: Juarez

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Balak magsimula ng Internet Cafe 21 Dec 2014 14:08 #906251

  • archbishop's Avatar
  • archbishop
  • Offline
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 17054
  • Thanks: 786
ilang pc ba itatayo mo at ano dahilan mo bakit iiwan mo na dating work mo? there is a good reason for that. Sa totoo lang ang dami kong kilalang ganyan at nag close na rin after 1- 2 years ang sapalaran, they think its a very easy way to find money. ito ah senario:

1. 1- 6 months parikit ka diyan puro tapon
2. within that months nandiyan na BIR, Municipio, at bagong kalaban to say barrio yan in which may "gawat" so may fluctuations din yan
3. after 1 and 6 months dapat bawi mo na iyong ininvest mo at mayroon ka pa na kalahati nun for upgrades let say you invest 500k, at your bank mayroon ka dapat 750k after 1 and 6 months. kung kakapusin ka diyan maghahabol ka ngayon diyan na magiisip kung tutuloy mo pa o hindi. Sad to say 10 out of 20 na kilala ko diyan quits that year.
4. the remaining 10 sapalaran "internet only" within 1 year close iyong kalahate (5) dahil sa tindi ng pangangailangan personal na financial plus business side. So mangungutang sila dito sa ganyan
5. the remaining 5 OFW that tried entrepreneurship after 5 years 1 lang matitira diyan.

diyan mo makikita sa ads "computer shop for sale" RFS (reason for selling) abroad. so you should not think twice but instead 100x before burning your money. daming bubulong sa iyo diyan "maganda to" "dapat ito" sa 10 na ganyan in the end suwerte kung dalawa lang tama diyan iyong 8 mali.

Its a dog eat dog world.. i've seen dreams shatterd, family ruied by the glorifying trend called "entrepreneurship". If you don't love it and you have no fun doing it then don't pursue it for the sake of Money. Its really hard and lot of worries all the time. kung naiinis ka sa boss mo sa pagiging OFW or nakikita mo na walang asesnso sa pagiging OFW don't do it for sure pagiging "assenso" money yan... naiinis ka sa boss mo "patience" yan. and this business requires a tantamount of patience my friend ^_^. Kung nahihirapan ka sa pagiging OFW tip of the ice berg lang yan compared sa pagiging businessman.

Inspiration is good but perspiration is better ^_^
The following user(s) said Thank You: Juarez

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Last edit: Post by archbishop.

Balak magsimula ng Internet Cafe 21 Dec 2014 14:20 #906256

  • Sumudoy's Avatar
  • Sumudoy
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 5566
  • Thanks: 717
Itutuloy mo ps bs TS? or nag apply ka na ng panibagong Visa.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Balak magsimula ng Internet Cafe 21 Dec 2014 14:52 #906273

  • tag's Avatar
  • tag
  • Online
  • Expert Boarder
  • Expert Boarder
  • Posts: 884
  • Thanks: 203
Advise....R U N, habang may time ka pa. The way I see it, kung dito pa lang 8 out of 10 comments swaying at the Negative side, eh halos LANSHOP owners yata ang nag comment na, that tells you something na di ba. Of course wala rin makapigil sa iyo kung gusto mo talaga, pero don't say din na they did not warn you of the things that you need to face when you start a new business.

Looking at your proposed business area, and as you said hindi ka naman uupa na, less expense TRUE, but that is a misconception. You should always take it into account that this place could also be a potential income generating place, meaning, if you think that it can be rented at 5k, then take that into consideration because it helps you in your decision making kung let's say parentahan na lang ng 5k or trabahuin ko at kikita ka lang ng 5k(hypothetically). Then the answer is obvious right?
Syempre walang katumbas na pera ang kasama ang pamilya, so think of the trade-off din.

Computer shop business, there are so many things to consider and decide at any given time, if you haven't been in any business before and much more if you do not know much about computer shops ( I mean shops not just computer per se), then ask my opinion...I say DON'T DO IT. Consider something else let's say LUGAWAN, you may laugh but it's true. Mas may kikitain ka diyan kaysa Lanshops. Just myy two cents
The following user(s) said Thank You: Juarez

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Balak magsimula ng Internet Cafe 21 Dec 2014 17:08 #906342

  • Juarez's Avatar Topic Author
  • Juarez
  • Online
  • Fresh Boarder
  • Fresh Boarder
  • Posts: 20
  • Thanks: 0

codedead wrote:

Juarez wrote:

gmsnatcher wrote: GO!! ^___^ negosyo na.. kaya mo yan TS, ang sagot ay kung ano ang tinitibok ng iyong puso.. hindi dahil mahirap at maraming tumututol ay mapanghihinaan ka na.. ang importante naman jan eh GUSTO mo.. x10 mong isipin TS kung yan ba talaga ang gusto mong negosyo.. kung nakikiuso lang wag na lang.. pero kung yan talaga ang sa tingin mong magpapasaya sayo at sa tingin mo maganda ang magiging bunga ng negosyo ng computer shop sa lugar nyo why not..



Maraming salamat po Sir. Itutuloy ko po siguro ito. Need ko na lang mga technical knowledge kung papa'no ko ito sisimulan. Sa amin po kc(bicol-ligao albay) hindi available ang PLDT kaya malamang Globe po ang gamitin kong ISP, 'di ko pa lang din alam kung ano ang mga pu-pwede sa pag-uwi ko pa po cguro malalaman kung ano talaga at kung may mapupulot ako dito sa forum :)


kababayan ko pala ito... ^^

kumusta sir? kababayan taka palan... try mo sir ang pisonet, ta kung matraditional shop ka sa mga panahon na ini mas mapagal po... pwede po kamo mag order sako may pisonet store po kami sa tapat ng sm city naga... ^^


Aw eu po Manoy? Maray man, kung dae man kadakula an deperensya kaan sa Gilmore pwede sa'yo na lang ako kukuha, if the "price" is right :)

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Moderators: Itwarehouse Speclin
Time to create page: 0.083 seconds