nakakastress magbantay ng shop lalo na kung sayo din yung foodstation and worst is kapag ikaw lang ang bantay wala kang maasahan na matino magbantay kaya 16 hours kang toxic. Makulit pa mga customer na bata lalo na matanda plus mabaho. Sabay magpapaprint at xerox na iba ibang files, may nagsasabi na lag dahil may naghahack ng CF, magrerefund dahil uuwi bigla o lag daw, magextend pa 30 mins sabay sabay nagmamadali na unahin mo bago magtime, may magpapaburn at typing kailangan sa project kaya hindi pwede matagalan matapos. Kpag may bantay puro deficit at kupit...nakakaloka lalo na pasko bakasyon dumog to the max magrequest pa 24 hours open wala ka naman kapalitan. Kaya mo ba yan araw araw TS?